Pagpapalaya sa mga 'political prisoner', ipinanawagan | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Pagpapalaya sa mga 'political prisoner', ipinanawagan

Pagpapalaya sa mga 'political prisoner', ipinanawagan

Zhander Cayabyab,

ABS-CBN News

 | 

Updated Dec 03, 2020 10:45 PM PHT

Clipboard

Ilang mga kamag-anak ng mga umano'y political prisoner ang nag-rally sa labas ng Camp Crame, headquarters ng Philippine National Police, sa Global Day of Action to Release all Political Prisoners noong Hulyo 10, 2019. Jire Carreon, ABS-CBN News/File

MAYNILA - Nanawagan ang International League of Peoples' Struggle (ILPS) sa Duterte administration na pakawalan na ang mga tinaguriang political prisoner.

Sa isang webinar sa inorganisa ng ILPS nitong Huwebes, sinabi ni Fides Lim, tagapagsalita ng grupong Kapatid, na batay sa kanilang datos ay aabot sa 657 ang mga political prisoner sa Pilipinas.

Nasa 65 porsyento rito o mahigit kalahati ay inaresto sa ilalim ng Duterte administration.

Karamihan sa kanila, pinagbintangang miyembro ng rebeldeng New People's Army.

ADVERTISEMENT

Ilan sa kanila ay matatanda at may sakit pa.

Kabilang sa mga binanggit niyang bilanggong pulitikal ay sina Vic Ladlad, Reina Mae Nasino, Amanda Echanis, at maraming iba pa, na sinampahan ng aniya’y gawa-gawang kaso.

Kinondena rin niya ang red-tagging o pag-uugnay sa iba’t ibang mga organisasyon sa Communist Party of the Philippines-NPA nang walang basehan at ang pagsasabatas ng anti-terror law.

RELATED VIDEO

Watch more in iWantv or TFC.tv

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.