3 bata nalunod sa hukay sa Taguig | ABS-CBN

ABS-CBN Ball 2025:
|

ADVERTISEMENT

ABS-CBN Ball 2025:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

3 bata nalunod sa hukay sa Taguig

3 bata nalunod sa hukay sa Taguig

ABS-CBN News

 | 

Updated Dec 03, 2020 09:49 PM PHT

Clipboard

Larawan mula sa barangay Western Bicutan

MAYNILA (UPDATE)— Tatlong bata ang nalunod sa isang hukay na may tubig sa Arca South sa Barangay Western Bicutan, Taguig City bago magtanghali nitong Huwebes.

Ayon sa Barangay Security Force ng Western Bicutan, pasado alas-11:30 ng umaga, naglalaro umano ang 5 batang magkakapitbahay sa bakanteng lote sa PNR site sa Arca South nang nagkatulakan ang mga ito. Nahulog ang 3 sa kanila sa isang hukay.

Nasa edad 5, 6, at 7 daw ang mga batang nahulog.

Hindi agad nakaahon ang mga bata dahil makapal ang putik sa ilalim kaya agad humingi ng tulong ang 2 batang kalaro nila, dagdag ng barangay responders.

ADVERTISEMENT

Nang dumating ang ambulansya ng barangay, sinubukan daw nilang i-revive ang 3 bata at saka dinala sa ospital.

Idineklarang dead onarrival ang 3 bata pagdating sa Taguig-Pateros District Hospital.

Ayon kay Taguig Mayor Lino Cayetano, hindi dapat nangyari ang insidente sa mga bata. Nakipag-ugnayan na raw siya sa mga magulang ng mga biktima.

"We have reached out to the families of these innocent young children. I have personally met with their mothers, and have assured them the city will continue to try to be a source of comfort for them during this difficult time," aniya.

Iniimbestigahan na ng mga awtoridad ang pangyayari. Isinara na rin sa publiko ang naturang lugar. — Ulat ni Wheng Hidalgo, ABS-CBN News

RELATED VIDEO

Watch more in iWantv or TFC.tv

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.