Lalaki nabaril ang sariling ari sa Ilocos Sur

ABS-CBN News

Posted at Dec 03 2018 03:41 PM | Updated as of Dec 03 2018 04:20 PM

Kasalukuyang nagpapagaling sa ospital sa bayan ng Magsingal, Ilocos Sur ang isang 50 anyos na lalaki matapos mabaril ang kaniyang ari.

Ayon kay Inspector Christopher Bueno, hepe ng Magsingal police, aksidenteng nakalabit ng biktima ang baril na nakasukbit sa kaniya habang siya ay umiihi noong gabi ng Sabado.

"Sa una, dine-deny niya na may bumaril pero sa imbestigasyon, nabaril niya sarili niya," sabi ni Bueno.

Hindi naisalba ang ari ng lalaki at tinanggal na sa isang operasyon.

Mahaharap din sa kasong illegal possession of firearms ang lalaki.

Tumanggi namang magbigay ng pahayag ang biktima at pamilya nito.

-- Ulat ni Dianne Dy, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.