Metro Manila schools na lalahok sa pilot face-to-face classes naghahanda na | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Metro Manila schools na lalahok sa pilot face-to-face classes naghahanda na

Metro Manila schools na lalahok sa pilot face-to-face classes naghahanda na

Arra Perez,

ABS-CBN News

 | 

Updated Dec 02, 2021 06:58 PM PHT

Clipboard

Watch more in iWantv or TFC.tv

MAYNILA— Naghahanda na ang ilang paaralan sa Metro Manila sa pagsali sa pilot implementation ng face-to-face classes sa susunod na linggo.

Nasa 28 paaralan sa Kamaynilaan ang inaasahang sasali sa pilot implementation simula Lunes, Disyembre 6. May kasali sa lahat ng 16 na siyudad habang wala namang lalahok mula sa munisipalidad ng Pateros.

Sa Makati, nagkaroon nitong umaga ng Huwebes ng dry run ng face-to-face classes sa Comembo Elementary School.

Nasa 72 Kindergarten hanggang Grade 3 students ang pisikal na papasok sa klase sa Lunes, at lahat ay dadaan sa health protocols.

ADVERTISEMENT

Hatid-sundo rin ng jeep ng Makati local government unit (LGU) ang ilan sa mga estudyante habang ang iba'y maglalakad lang papasok at pauwi kasama ang mga magulang o guardian.

Sa loob ng classrooms, walang plastic barriers pero may UV light at air purifier na nagdi-disinfect sa mga classroom bago, habang, o pagkatapos ng mga klase.

Electric fan ang gamit sa halip na aircon sa mga silid-aralan, kung saan nakabukas din ang mga bintana para sa mas maayos na ventilation.

May holding at isolation areas at clinic ang paaralan para sa mga magkakaroon ng sintomas. May naka-stand by din na medical team ng paaralan at LGU.

Noong nakaraang linggo, nagdaos din ng dry run ang Pasig Elementary School, base sa social media post ni Mayor Vico Sotto.

ADVERTISEMENT

Makikita sa mga retrato na nai-post ni Sotto na magkakahiwalay din ang mga upuan ng mga bata na pawang nakasuot ng face mask.

Ang 28 paaralan sa Metro Manila ay kabilang sa 177 pampublikong paaralan sa sasali sa pilot face-to-face classes.

Bago nito, 100 public schools at 18 private schools pa lang ang lumahok sa pilot implementation na nagsimula noong nakaraang buwan.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.