Bilihan ng mga tela sa Divisoria, nasunog | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Bilihan ng mga tela sa Divisoria, nasunog

Jekki Pascual,
ABS-CBN News
Published Dec 02, 2021 09:06 AM PHT
|
Updated Dec 02, 2021 08:23 PM PHT

Ilang tindahan ng tela sa Divisoria, Manila, nasunog kaninang madaling araw. Inaalam pa ang sanhi ng sunog na umabot ng second alarm. đź“·ViralToday-JB YT pic.twitter.com/j7kFnus6xl
— Jekki Pascual (@jekkipascual) December 2, 2021

MANILA -- Natupok ng apoy ang ilang stall ng tela at iba pang gamit sa Divisoria nitong Huwebes ng madaling araw.

Nasunog ang ang maraming stall sa Mabuhay Textile, isang looban na gusali sa may Ylaya at Recto Avenue. Halos lahat ng apektadong stalls ay bilihan ng mga tela at damit, kabilang na ang mga gown pangkasal. May mga stalls rin ng sapatos at iba pang gamit.

Sarado ang mga stalls nang mangyari ang sunog. Nahirapan pa ang mga bumbero na makapasok sa isang stall dahil naka-lock ang pinto nito. Binutasan nila ito at sinubukang gibain para mapasok ang nasusunog na bahagi.

"Medyo nahirapan tayo apulahin gawa ng mostly ang kanilang tenant is light material, combustible which is mga tela," ani FInsp Michael Ignacio, hepe ng Tondo Fire Station.

ADVERTISEMENT
"Tapos naka lock pa po ang kanilang stall which is corten steel. Yung forcible entry natin ay natagalan."

Maraming tindera at tindero ang agad nagtungo sa Divisoria dahil magkakadikit ang mga gusali at natakot silang madamay ang kanilang tindahan sa apoy at maapektuhan ang kanilang hanapbuhay.

May ilan na hindi nasunugan pero nabasa naman ang lahat ng telang paninda.

Sabi ng ilang tindera at tindero, unti-unti na sana silang nakakabawi dahil sa pandemya, pero nangyari pa itong sunog.

"Nanginginig po talaga sobrang takot dahil sa ganitong situation, napakahirap," ayon sa tinderang si Juvy Cadenas,
"Nanginginig po talaga sobrang takot dahil sa ganitong situation, napakahirap," ayon sa tinderang si Juvy Cadenas,
ADVERTISEMENT
Dagdag pa niya, "Hiling ko lang sana tama na, napakahirap talaga. Dahil sa pandemic ngayon, tapos ganun pang mangyayari. Nagkasunugan pa. Sana tama na po."

Tila nanghihinayang din ang isa sa mga may-ari ng stall na si Ronelito Araza.

"Nagpi-peak na [ang negosyo], unti-unti na nag pi-peak, pero eto nga nangyari ang aksidente. Pansamantala hinto ang operation."

Inaalam pa ang sanhi ng sunog na umabot sa ikalawang alarma. Nasa P5 million ang halaga ng natupok ng apoy.

Paalala ng BFP sa publiko na maging maingat sa mga electrical equipment, at huwag bumili ng substandard na mga gamit--lalo na ng substandard na Christmas lights--ngayong Pasko.