Teenager nahulihan umano ng P4-M halaga ng hinihinalang shabu sa Davao City | ABS-CBN

ABS-CBN Ball 2025:
|

ADVERTISEMENT

ABS-CBN Ball 2025:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Teenager nahulihan umano ng P4-M halaga ng hinihinalang shabu sa Davao City

Teenager nahulihan umano ng P4-M halaga ng hinihinalang shabu sa Davao City

Zhander Cayabyab,

ABS-CBN News

Clipboard

Timbog ang isang teenager matapos mahulihan ng hinihinalang shabu na aabot sa P4.08 million ang halaga sa Davao City.

Ayon kay Colonel Consolito Yecla, Commander ng Task Force Davao, minamaneho ng suspek ang pulang kotse galing ng Cotabato City papuntang bayan ng Nabunturan, Davao de Oro, nang dumaan sa checkpoint ng AFP at PNP sa Sirawan.

Subalit sinubukan aniya ng driver na iwasan ang checkpoint kaya nagduda na ang mga awtoridad at ininspeksyon ang kotse.

Dito nila nasamsam ang limang plastic at isang maliit na sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu.

ADVERTISEMENT

Kinilala ang suspek na 19 anyos at residente ng Nabunturan.

Kakasuhan ang lalaki ng paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act.

Ayon sa Task Force Davao, ngayong 2020 aabot na sa 77 suspek ang kanilang naaresto sa mga checkpoint at anti-illegal drugs operations. Tinatayang mahigit P14 na milyon na ng ilegal na droga ang kanilang nakumpiska.

Watch more in iWantv or TFC.tv

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.