Ilang eksperto, alkalde may agam-agam sa hirit na payagan sa mall ang mga bata | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Ilang eksperto, alkalde may agam-agam sa hirit na payagan sa mall ang mga bata

ABS-CBN News
Published Dec 02, 2020 07:36 PM PHT

MAYNILA - May agam-agam ang ilang eksperto, maging ang ilang alkalde sa Metro Manila, sa hirit na payagan ang pagpasok ng mga menor de edad sa mga mall habang may coronavirus disease (COVID-19) pandemic pa rin.

Nabanggit ng ilang eksperto na maaari pa ring magpasa ng virus ang mga menor de edad sa mga kasama sa bahay, lalo na sa mga senior citizen o mga may sakit, kaya dapat pag-aralan nang mabuti ang hakbang.

"Kung lalabas ka bilang nagtatrabaho, tinatanggap natin 'yun na risk kasi siyempre kabuhayan 'yun di ba? Pero kung lalabas tayo para lang mamasyal, you would have to think very, very hard kung sulit ba 'yung exposure na 'yun," ani Dr. Anna Ong-Lim ng Pediatric Infectious Disease Society of the Philippines.

Kung tatanungin naman si Department of Health Secretary Francisco Duque, hindi siya pabor na lumabas at mag-mall ang mga bata.

"Ang posisyon namin hindi nagbabago. Hangga’t maaari we discourage that dahil meron pa ring risk. Hindi sila exempted sa hawahan. 'Wag na pong lumabas ang mga bata," ani Duque.

Samantala, ang Metro Manila Council -- na samahan ng mga alkalde sa Metro Manila -- hihintayin muna ang mga pasya ng eksperto bago pagbotohan ang hirit.

"Based on facts, ano masasabi ng mga doctor? We’re waiting for the Pediatrics Society of the Philippines. Whatever opinion they have we will discuss again and sa mga mayors natin, then boboto,” ani Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) General Manager Jojo Garcia.

Ganito rin ang basehan ng mga alkalde.
Ganito rin ang basehan ng mga alkalde.
"Importante po na may medical basis ang aming magiging desisyon o rekomendasyon sapagkat kaligtasan ng ating mga mamamayan ang nakasalalay dito," ani San Juan Mayor Francis Zamora.

"These are balancing acts that we’re really trying to manage the risk," ani Manila Mayor Isko Moreno.

Pumalag naman ang alkalde ng Quezon City na si Joy Belmonte sa posibleng "risk" na madadala ng mga menor de edad na lalabas para malibang lang.

"The risks could have been greater than the gains. Children -- hindi natin alam na may sakit sila, nakakahawa na pala sila, madali mahawa ang kanilang mga lolo at lola, hindi siya worth [it] for me," ani Belmonte.

Ayon sa tala ng DOH, mahigit 12,000 ng 400,000 kaso ng COVID-19 sa bansa ay mga bata.

— Ulat ni Angel Movido, ABS-CBN News
Read More:
PatrolPH
Tagalog News
TV Patrol
malls
minors in malls COVID-19
coronavirus
COVID-19
coronavirus Philippines update
COVID
coronavirus disease Philippines
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT