7 patay, 5 sugatan sa aksidente sa Misamis Oriental | ABS-CBN
ADVERTISEMENT
![dpo-dps-seal](https://od2-image-api.abs-cbn.com/prod/Seal_Image_OD.png)
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
7 patay, 5 sugatan sa aksidente sa Misamis Oriental

ABS-CBN News
Published Dec 02, 2020 02:53 PM PHT
![Clipboard](https://od2-image-api.abs-cbn.com/prod/ClipboardNews.png)
Pito ang nasawi habang limang iba pa ang sugatan sa aksidenteng naganap sa National Highway sa bayan ng Jasaan, Misamis Oriental, Martes ng gabi.

Kasama sa nasawi ang dalawang kagawad ng barangay na sina Lemwel Edurot at Wilfredo Capilador. Ang ibang nasawi ay sina Cirick Jadumas, Helardo Montecillo, Jomie Montecillo, isang 15-taong gulang na lalaki, at isang hindi pa nakikilalang biktima.

Sa imbestigasyon ng Jasaan Municipal Police Station, may mga taong nagsasagawa ng isang vigil sa Zone 2, bahagi ng Aplaya nang isang prime mover truck ang bumangga sa kanila.

Nawalan umano ng kontrol ang driver ng truck na si Vincent Abuloc nang na-misalign ang trailer sa tractor head ng sasakyan, ayon sa pulisya.

Binangga rin ng truck na may kargang bulldozer ang anim na sasakyan at 14 motorsiklo.
Nagmula sa Butuan City ang truck at papunta sana sa Zamboanga City.

Nakakulong na sa Jasaan Municipal Police Station si Abuloc.

- ulat ni PJ dela Peña, ABS-CBN News
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT