Kilala ang naturang night market sa mga murang bilihin tulad ng damit at iba’t ibang pagkain. ABS-CBN News
BAGUIO CITY - Sinuspinde ang operasyon ng Baguio Night Market sa Harrison Road sa lungsod na ito isang araw matapos itong buksan at dumugin ng mga mamimili sa kabila ng distancing protocols na pinapairal habang may coronavirus disease (COVID-19) pandemic.
Kilala ang naturang night market sa mga murang bilihin tulad ng damit at iba’t ibang pagkain.
Sa pahayag ng Baguio City Public Information Office, aaralin pa ang mga dapat gawin para masunod ang health protocols at hindi maulit ang insidente.
Marso nang unang ihinto ang operasyon ng pamilihan dahil sa COVID-19.
Samantala, dinumog din ang pagpapailaw ng Christmas tree sa Session Road, na taunang tradisyon sa siyudad.
Ayon kay Baguio Tourism Officer Alec Mapalo, hindi nila inaasahan ang dumog ng tao nang mabuksan ito.
"Medyo kinabahan kami. We did not expect na napakalaking turnout but I think it just shows how people are really kept for so long in their homes and been wanting to go out and having fun outside," ani Mapalo.
Inako naman ni Baguio City Mayor Benjamin Magalong ang insidente.
"Most probably, tomorrow, some people will be hitting us because one way or the other some of us fail to observe social distancing during this event. Kasalanan ng inyong mayor 'wag po kayong mabahala," ani Magalong.
— Ulat ni Micaella Ilao, ABS-CBN News
Bisitahin ang
Patrol.PH para sa iba pang mga balita.
PatrolPH, Tagalog News, Baguio Night Market, Baguio City Night Market, Baguio City, TV Patrol, regional news, regional stories, Baguio City COVID-19 update, COVID-19, physical distancing, distancing protocols, Benjamin Magalong