5 menor de edad nalunod sa Iloilo

ABS-CBN News

Posted at Dec 02 2017 05:04 PM

Patay ang limang menor de edad matapos malunod sa dagat sa Brgy. Bacay sa bayan ng Dumangas, Iloilo.

Pasado alas-10 ng umaga nitong Sabado nang magka-ayaan ang mga biktima na maligo sa dagat.

Ayon sa isang nakaligtas, napadpad umano silang magbabarkada sa malalim na bahagi ng dagat.

Edad 14, 17, 15 at dalawang 16 anyos ang mga nasawing kabataan.

Halos lahat sa kanila ay hindi marunong lumangoy kaya't hindi na nakaligtas.

Tumagal ng tatlong oras ang rescue operation bago natagpuan ang bangkay ng mga biktima.

--Ulat ni Jenel Baclay, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.