PNP itinanggi na isang pulis ang sangkot sa gitgitan sa Taguig
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
PNP itinanggi na isang pulis ang sangkot sa gitgitan sa Taguig
Raya Capulong,
ABS-CBN News
Published Nov 30, 2023 07:51 PM PHT

MAYNILA — Itinanggi ng Philippine National Police (PNP) na miyembro nila ang lalaking nagpakilala umanong pulis at nakipag-away sa kapwa motorista sa Taguig City noong Nov. 24.

Sa pahayag ng truck driver, nagpakilalang pulis ang nakagitgitan nyang driver ng SUV at pilit na kinukuha ang kanyang lisensya. Minura at pinagbantaan pa siya umano nito.

Nakuha na aniya nila mula sa LTO ang pangalan ng SUV driver na nagpakilalang pulis. Batay sa database ng active personnel ng PNP, walang ganong pangalan ng pulis.

"Based sa pag-check sa database ng PNP ay wala pong ganung pangalan ng pulis so lumalabas na hindi ito pulis," ani PNP-PIO acting chief Col. Jean Fajardo.

Hinikayat ni Fajardo ang motorista na nakaaway ng lalaki na magbigay ng sinumpaang salaysay upang makapaghain ng reklamo.

"On that basis alone ay we could charge ng usurpation of authority itong tao na ito para masampahan siya. Kailangan lang natin ng sinumpaang salaysay nung biktima."

Sa video na kumalat sa social media, galit na galit na pinara ng lalaki na nagmamaneho ng puting SUV ang truck driver dahil nanggitgit umano ito.

Pilit ding hinihingi ng lalaki ang lisensya ng truck driver na inakusahan nitong gumamit ng ilegal na droga.

Ipinaalala ni Fajardo na tanging mga mga tauhan ng LTO, mga traffic enforcer, at mga naka-unipormeng tauhan ng PNP na deputize ng LTO ang maaaring manghingi ng lisensya ng motorista at hindi ang mga nakasibilyan na nagpapakilalang pulis.