MADRID - Isang commemorative marker na gumugunita ng ika-75 taong diplomatic relations ng Pilipinas at Spain ang pinasinayaan nina Ambassador Philippe J. Lhuillier kasama Cecilio Cerdán Carbonero ng Ayuntamiento de Madrid, at Director General of Cooperation and Global Citizenship noong October 28, 2022.
PE Madrid photo
Inilagay ito sa Jose Rizal monument, sa Avenida de las Islas Filipinas sa Madrid. Pinasalamatan ni Ambassador Lhuillier ang Ayuntamiento para sa kanilang suporta at pagpapahalagang ipinakita nila para sa mas matibay na diplomatic relations ng dalawang bansa.
PE Madrid
Ayon kay Cerdán na kumatawan kay Madrid Mayor José Luis Martínez Almeida sa unveiling ceremony, ang commemorative marker ay patunay ng pagkilala ng Espanya sa mahalagang relasyon ng kanilang bansa sa Pilipinas at pagpugay sa Pambansang Bayaning si Gat Jose Rizal.
PE Madrid photo
Dumalo rin sa ribbon-cutting at unveiling ceremony sina Senator Bong Go; Ambassador ng Malaysia, H.E. Akmal Che Mustafa; Ambassador ng Viet Nam, H. E. Hoang Xuan Hai; Ambassador ng Indonesia, H.E. Muhammad Najib, at Ricardo Jose Gomez Acebo ng Ministry of External Affairs sa Spain.
Pinangunahan ni Ambassador Lhuillier ang isang toast para kay President Ferdinand R. Marcos, at King Felipe VI at Queen Leticia, at sa pagkakaibigan ng Pilipinas at Espanya.
PE Madrid photo
Dumalo rin sa event ang mga kinatawan ng Filipino Community, ang Order of the Knights of Rizal, Spanish university professors, diplomatic corps, at piling media.
Para sa mga nagbabagang mga balita tungkol sa ating mga kababayan sa Spain, tumutok sa TFC News sa TV Patrol.