Estudyanteng nag-aaral habang nagtitinda sa Parañaque hinangaan sa social media | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Estudyanteng nag-aaral habang nagtitinda sa Parañaque hinangaan sa social media

Estudyanteng nag-aaral habang nagtitinda sa Parañaque hinangaan sa social media

Lady Vicencio,

ABS-CBN News

Clipboard

Nag-viral sa social media ang retrato ng 20 anyos na estudyanteng nag-aaral habang nagtitinda ng face masks at shields sa Parañaque City. ABS-CBN News

Bitbit ni Freedom Dela Cruz ang librong physics at notebook habang nagtitinda sa gilid ng Evacom Avenue sa Parañaque City.

Habang naghihintay ng mga bibili ng mga panindang face shield, face mask at iba pang gamit tulad ng ballpen, walang oras na sinasayang ang 20 anyos na estudyante sa pagri-review ng kaniyang libro.

"Hindi po kinakaya 'yong gastusin sa bahay. Kailangan doblehin ang pagtitinda," ani Dela Cruz sa panayam ng ABS-CBN News.

"Nagbabasa-basa ako ng libro para pagdating ng module, masabayan ko," dagdag niya.

ADVERTISEMENT

Second-year college student si Dela Cruz, na kumukuha ng kursong BS Physics. Pangarap umano niyang magtuloy sa pagdo-doktor, bagay na suportado naman ng kaniyang mga magulang na naniniwala sa kahalagahan ng edukasyon para sa mas magandang kinabukasan.

Napansin si Dela Cruz ng abogadong si Dennis Goracho nang minsang mapadaan sa puwesto ng estudyante.

In-upload ni Goracho sa social media ang larawan ni Dela Cruz, na umani ng papuri mula sa netizens.

"Naging model siya ng mga estudyante na kahit sa kalye, puwede kang matuto," ani Goracho.

Watch more in iWantv or TFC.tv

Natutuwa naman ang mga magulang ni Dela Cruz sa ipinapakita nitong dedikasyon sa pag-aaral.

Dahil kailangang magtinda, modular distance learning ang pinili ni Dela Cruz na paraan ng pag-aaral ngayong may pandemya.

Gamit naman niya ang maliit na smartphone para masabihan ng mga kaklase kung ano ang sinasagutan sa online class.

Pero hindi na mahihirapan si Dela Cruz sa pagbabasa sa maliit na screen ng cellphone matapos siyang mabigyan ng tablet ng programang "Kabayan" sa TeleRadyo.

May mga face shield ding inabot para maidagdag sa mga ibinebenta ng pamilya.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.