Albay Gov. Noel Rosal pinababakante ang opisina matapos ang disqualification | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Albay Gov. Noel Rosal pinababakante ang opisina matapos ang disqualification

Johnson Manabat,
ABS-CBN News
Published Nov 29, 2022 05:00 PM PHT
|
Updated Nov 30, 2022 12:55 AM PHT

MAYNILA (UPDATED)— Ipinababakante na ng Commission on Elections (Comelec) kay Albay Gov. Noel Rosal ang kaniyang opisina matapos maging pinal ang disqualification ruling laban sa kaniya.

"Idinedeklara na po ng Comelec at nag-uutos po kay Gov. Rosal na bakantehin na niya ang posisyon at opisina ng Governor ng Albay at ang magpapatupad po nito ay ang ating DILG (Department of the Interior and Local Government) thru the Secretary," sabi ni Comelec spokesperson John Rex Laudiangco ngayong Martes.

Martes ng umaga nang isilbi sa kampo nina Rosal at ng petitioner sa kaso ang writ of execution sa disqualification case na isinampa ni Joseph San Juan Armogila laban kay Rosal, sabi ni Laudiangco.

Nag-ugat ang kaso sa umano'y pamimigay nito ng pera sa mga tricycle driver sa Albay sa panahon ng kampanya.
Nag-ugat ang kaso sa umano'y pamimigay nito ng pera sa mga tricycle driver sa Albay sa panahon ng kampanya.
ADVERTISEMENT
Dagdag ni Laudiangco, may pagkakataong dumulog si Rosal sa Korte Suprema para sa pagpapatigil ng utos o temporary restraining order (TRO) noong unang ilabas ng Comelec ang desisyon.

Pero simula aniya noong mailabas nila ang naunang Certificate of Finality at Entry of Judgement sa kaso ay wala naman silang natanggap na TRO mula sa Supreme Court.

"Puwedeng-puwede po. In fact, under sa Resolution 9523, kung napansin ninyo, bakit na-issue yung Certificate of Finality at Entry of Judgement dahil within 5 days noong mai-serve po 'yung en banc resolution, wala pong natanggap ang Comelec na TRO or any preliminary injunction coming from the Supreme Court," sabi ni Laudiangco.

Dahil walang TRO mula sa SC, naging final and executory na ang desisyon ng Comelec en banc na siyang ipinatutupad na nila ngayon.

Sa ilalim ng Rule No. 64 ng Rules of Court, sabi ni Laudiangco, mayroong 30 araw ang respondent sa kaso o si Rosal para magsumite ng kaniyang petition for review and certiorari simula nang matanggap ang Comelec decision.

Kung meron man aniyang matatanggap na TRO ang Comelec o DILG ay handa naman nila itong sundin.

Bukod sa utos kay Rosal na bumaba na sa puwesto, kasama sa utos ng Comelec ang pag-akyat ng puwesto ni Albay Vice Gov. Edcel Greco Alexandre Lagman bilang gobernador ng probinsiya.

Ayon sa Comelec, ito ay alinsunod sa Section 44(1) ng Local Government Code. Ang en banc resolution nito na may petsang November 18, 2022 ay naging final at executory noong November 25, 2022 matapos hindi magpalabas ng TRO o Preliminary Injunction ang Korte Suprema sa loob ng 5 na araw.

Paliwanag ng Comelec, batay ito sa Section 8 ng Comelec Resolution 9523 kaugnay ng Section 13(b), Rule 18 at Section 3, Rule 37 ng 1993 Comelec Rules of Procedure.

Sa parehong araw, nagpadala rin ang Comelec En Banc ng Certificate of Finality at Entry of Judgement sa kampo nina Rosal at ng petitioner.

Umaasa ang Comelec na susunod ng payapa si Rosal sa utos na ito ng komisyon.

Read More:
Albay Gov. Noel Rosal
Noel Rosal
Tagalog news
Albay
regions
regional news
Comelec
John Rex Ladiangco
Edcel Greco Alexandre Lagman
Albay Governor
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT