Kongresista kumpiyansang may mapagkukuhanang pondo para sa Bayanihan 3 | ABS-CBN

ABS-CBN Ball 2025:
|

ADVERTISEMENT

ABS-CBN Ball 2025:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Kongresista kumpiyansang may mapagkukuhanang pondo para sa Bayanihan 3

Kongresista kumpiyansang may mapagkukuhanang pondo para sa Bayanihan 3

ABS-CBN News

Clipboard

Watch more in iWantv or TFC.tv

MAYNILA — Kumpiyansa ang isang kongresista na may mapagkukuhanan pa ng pondo ang pamahalaan para sa isinusulong na Bayanihan 3 kaugnay sa patuloy na paglaban ng bansa kontra COVID-19.

Sinabi ngayong Linggo sa TeleRadyo ni Marikina 2nd District Rep. Stella Quimbo, kukuhanin ang pondo mula sa natitirang 2020 budget.

Ayon kay Quimbo, may savings pa rin ang gobyerno dahil hindi pa nito nauubos ang pondo mula sa Bayanihan to Recover as One Act (Bayanihan 2), habang ang dagdag na budget naman ay posibleng utangin sa ibang bansa.

Layon ng panukalang Bayanihan 3 na i-extend o palawigin pa ang Bayanihan 2 dahil hanggang Disyembre 19 lang ang effectivity nito.

ADVERTISEMENT

Sa ilalim ng Bayanihan 2, binibigyang pahintulot ang executive branch ng gobyerno na gumastos ng hanggang P165 bilyon kaugnay sa mga proyektong may kinalaman sa COVID-19.

Dahil hindi pa ubos ang budget para sa Bayanihan 2, kailangan pa itong ipagpatuloy, ani Quimbo, isang ekonomista at dating commissioner ng Philippine Competition Commission.

Nilinaw din ni Quimbo na walang dagdag-buwis na ipapataw sa publiko sa isinusulong na Bayanihan 3.

"Generally speaking, kapag bagsak ang isang ekonomiya, hindi dapat magdagdag ng buwis kasi any tax that you add would mean lalong hindi gagastos ang mga tao. When in fact now, 'yon ang kailangang i-promote," sabi ng mambabatas.

Sa ilalim ng Bayanihan 3, maglalaan ulit ng pondo ang pamahalaan para sa karagdagang emergency response sa COVID-19 pandemic.

Kasama umano rito ang pagbibigay ng ayuda sa mga nawalan ng trabaho at pag-abot ng tulong sa mga maliliit na negosyo.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.