Higit P2 bilyon ng sigarilyo na may pekeng stamp, nasamsam sa Pangasinan | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Higit P2 bilyon ng sigarilyo na may pekeng stamp, nasamsam sa Pangasinan

Higit P2 bilyon ng sigarilyo na may pekeng stamp, nasamsam sa Pangasinan

ABS-CBN News

Clipboard

Noriel Padiernos, ABS-CBN News

PANGASINAN - Sinalakay ng mga awtoridad nitong Miyerkoles ang isang pabrika ng sigarilyo sa bayan ng Bugallon, Pangasinan.

Narekober sa lugar ang mga makinarya, pekeng tax stamp, at iba pang materyales sa paggawa ng sigarilyo.

Ayon sa Bureau of Internal Revenue (BIR), higit P2 bilyon ang halaga ng operasyon ng pabrika ang dapat sana ay kinikita ng gobyerno.

Napag-alaman na peke ang tax stamp na inilalagay sa mga sigarilyo sa dinalang stamp reader ng BIR.

ADVERTISEMENT

Nasa 20 katao na mula pa sa Mindanao ang ni-recruit para magtrabaho sa pabrika.

Tumanggi muna ang BIR na pangalanan ang may-ari ng pabrika na posibleng mahaharap sa patong-patong na kaso. - ulat ni Noriel Padiernos, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.