6 patay sa sunog sa Bacolod

ABS-CBN News

Posted at Nov 26 2019 07:17 AM | Updated as of Nov 26 2019 06:52 PM

Watch more in iWantTFC

BACOLOD, Negros Occidental — Patay ang 6 na katao matapos masunog ang isang pension house sa lungsod na ito, Martes ng madaling-araw. 

Martian Muyco, ABS-CBN News

Kinukumpirma pa ng mga awtoridad ang impormasyong nagsimula ang sunog sa isang motorsiklong nasa hallway ng ground floor, pasado alas-4 ng umaga. 

Martian Muyco, ABS-CBN News

Martian Muyco, ABS-CBN News

Naapula na ang sunog dakong alas-9 ng umaga, pero hinihintay pa ng mga bumbero na masilip ng pulisya ang 4-palapag na gusali bago ilabas doon ang mga labi ng 6 na nasawi. 

Watch more in iWantTFC

Dinala naman sa ospital ang hindi bababa sa 3 indibidwal na nagtamo ng minor injuries. 
 
Hindi pa tiyak kung ilan ang naka-check in sa pension house nang mangyari ang sunog. 

— May ulat nina Martian Muyco at Marty Go, ABS-CBN News 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.