Pag-alis ng Filipino at panitikan sa kolehiyo, inapela | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Pag-alis ng Filipino at panitikan sa kolehiyo, inapela

Mike Navallo,
ABS-CBN News
Published Nov 26, 2018 03:03 PM PHT

MAYNILA — Hiniling ng isang grupo sa Korte Suprema na pag-isipan ang pagkatig nito sa desisyon ng Commission on Higher Education (CHED) na alisin ang Filipino at panitikan bilang core courses sa kolehiyo.

Naghain ngayong Lunes ang Tanggol Wika — isang grupo ng mga propesor, mag-aaral, manunulat, at cultural activist — ng motion for reconsideration sa Korte Suprema dahil sa ruling nito noong Oktubre 9 kaugnay sa CHED Memorandum Order No. 20, na nagtatanggal sa Filipino at panitikan bilang core subjects sa kolehiyo.

Sa ruling, dinepensahan ng korte ang utos ng CHED at sinabing ang mga pagbabago ng CHED sa general education curriculum ay ipinatupad para matiyak na walang magkakaparehong kurso ang ituturo sa elementary, high school, at kolehiyo.

Sa kanilang mosyon, nagharap ang Tanggol Wika ng anim na pahinang talahanayang nagkukumpara sa mga paksang saklaw ng mga kursong Filipino sa kolehiyo at basic education programs, para ipakita na walang basehan ang sinasabing pagkakapareho ng mga ituturo.

LOOK: Part of Tanggol Wika’s motion for reconsideration filed w/ SC. Group argues constitutional provision providing for Filipino as national language is self-executing, refutes claim removal of Filipino, panitikan from college curriculum is to avoid duplication pic.twitter.com/cmGp4bzTBG
— Mike Navallo (@mikenavallo) November 26, 2018

"When Filipino in the core curriculum of basic education (senior and junior high school, in particular) is put side-by-side with Filipino in the general education curriculum at the tertiary level, it can be seen that there are matters covered in the latter which are not covered in the former," sabi sa mosyon.

Ayon pa sa grupo, kung susundin ang pangangatuwiran ng Korte Suprema, maaari ring alisin ang iba pang basic education subjects gaya ng English, science, math at history (kasaysayan) bilang mandatory college subject dahil itinuturo rin ang mga ito sa basic education.

Dagdag pa ng grupo, sinasalungat ng pag-alis ng Filipino sa kolehiyo ang ilang dekadang pagsisikap na mailagay ang Filipino sa higher education.

Pinaalala rin ng grupo sa korte na ipinag-uutos din ng Saligang Batas ang paggamit ng Filipino bilang language of instruction sa sistema ng edukasyon.

"Parang basura na itinatapon ng Korte Suprema ang ating wika at panitikan kung magiging optional," sabi ni Tanggol Wika convenor David Michael San Juan sa mga mamahayag.

"Kung magiging optional lamang ang Filipino, kakaunting estudyante na lang ang kukuha nito at baka ang gawin na lang ng mga eskuwelahan ay huwag na itong ipaturo sa kanilang mga teachers," ani San Juan.

Muling binanggit ni San Juan na nasa 10,000 guro ng Filipino at panitikan sa kolehiyo ang posibleng mawalan ng trabaho dahil sa desisyon.

Ayon naman kay ACT Teachers party-list Rep. France Castro, bagaman iminungkahi na ng korte ang paglipat sa mga guro ng Filipino sa senior high school, nangangahulugan ito ng mas mababang sahod para sa mga guro.

"Alam natin na 'yong mga teachers natin sa kolehiyo ay mayroon na ring naabot na taas ng suweldo as compared doon sa teachers sa basic education. Kaya ang pangamba nila, 'yong bababa ang kanilang suweldo, na nangyayari naman doon sa mga teacher natin na lumipat na sa senior high school dahil sa pagtuturo ng Filipino," sabi ni Castro.

Kasabay ng paghahain ng mosyon, daan-daang tao na kinabibilangan ng mga guro at mag-aaral din ang nagdaos ng protesta sa tapat ng Korte Suprema para tutulan ang pag-alis sa Filipino at panitikan bilang core subjects sa kolehiyo, na nagpapalawig sa basic education cycle sa 12 taon mula 10 taon.

Around a hundred profs, students hold protest in front of Supreme Court to denounce decision allowing removal of Filipino, panitikan courses in college curriculum. The group, led by Tanggol Wika, also files motion for reconsideration of SC K-12 decision. pic.twitter.com/2fF54KgII3
— Mike Navallo (@mikenavallo) November 26, 2018
Around a hundred profs, students hold protest in front of Supreme Court to denounce decision allowing removal of Filipino, panitikan courses in college curriculum. The group, led by Tanggol Wika, also files motion for reconsideration of SC K-12 decision. pic.twitter.com/2fF54KgII3
— Mike Navallo (@mikenavallo) November 26, 2018
Abril 2015 nang pansamantalang ipatigil ng Korte Suprema ang CHED Memorandum Order No. 20.

Tinanggal ng hukuman ang temporary restraining order nitong buwan matapos ideklarang konstitusyonal ang programang K to 12.

Ilang senador na rin ang nagpahayag ng pagkadismaya sa pagkakaalis sa dalawang asignatura sa core subjects.

Read More:
PatrolPH
Tagalog news
balita
wika
Filipino
panitikan
K to 12
Supreme Court
Korte Suprema
Tanggol Wika
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT