Dating kapitana, agaw-buhay matapos barilin sa Pasay | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Dating kapitana, agaw-buhay matapos barilin sa Pasay

ABS-CBN News
Published Nov 26, 2018 07:59 AM PHT
|
Updated Feb 05, 2020 11:50 AM PHT

MAYNILA - Kritikal ang isang dating barangay chairwoman nang barilin ng nakamotorsiklong salarin sa harap ng kanyang bahay sa Pasay City, Linggo ng umaga.

Nagwawalis sa labas ng kanilang bahay sa FB Harrison Street ang 58 anyos na si Gina Catalan nang biglang lapitan ng salaring nakaangkas sa motor at saka binaril.

Mabilis namang nakatakas ang mga salarin na parehong hindi pa nakikilala ng pulisya dahil sila ay naka-helmet nang makunan ng CCTV.

Naisugod naman agad sa ospital si Catalan na tinamaan ng bala sa batok. Agaw-buhay pa rin sa pagamutan ang biktima.

ADVERTISEMENT
Samantala, palaisipan naman sa pamilya kung bakit binaril si Catalan, na ngayon ay isa nang housewife at wala namang kilalang nakaaway sa kanilang lugar.

Nangako naman ang pulisya na tututukan ang imbestigasyon sa nangyaring krimen.--ulat mula kay Jervis Manahan, ABS-CBN News