Bentahan ng mga pekeng libro, sinalakay sa Maynila | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Bentahan ng mga pekeng libro, sinalakay sa Maynila

Bentahan ng mga pekeng libro, sinalakay sa Maynila

ABS-CBN News

 | 

Updated Feb 05, 2020 11:57 AM PHT

Clipboard

Sinalakay ngayong Lunes ng National Bureau of Investigation (NBI) ang isang establisimyento sa Recto, Maynila na nagbebenta umano ng mga pekeng libro.

Sa bisa ng search warrant, hinalughog ng NBI ang Amazing Race Bodega Bookstore kasunod ng reklamo ng Rex Bookstore ukol sa pagbebenta nito ng mga kinopyang librong may kinalaman sa abogasya.

Watch more in iWantv or TFC.tv

Ayon kay NBI special investigator Valiant Raganit, nagkaroon ng test buy sa nasabing tindahan at natuklasang peke ang mga libro.

Hindi naman kinagat ng NBI ang katuwiran ng mga nagtitinda na secondhand o gamit na ang mga ibinebenta nilang libro dahil umano sa kalidad ng mga materyal na ginamit sa libro.

ADVERTISEMENT

"May mga secondhand books na binebenta, mayroon ding mga look-alike na talagang bago... parang replica 'to," sabi ni Raganit.

Hindi bababa sa 500 libro ang napeke mula sa Rex Bookstore.

Ayon kay Ryan Romano, legal counsel ng Rex Bookstore, daang-libong piso ang nawawala sa kanila kada taon sa dami ng mga pinepekeng libro.

Bagaman nakatitipid daw ang mga estudyante sa peke, nabibiktima naman ang mga nagsusulat ng libro.

"Wala na pong incentives sa kanila na gumawa pa ng bagong books if they will just be robbed of royalties," sabi ni Romano.

Kakasuhan ng paglabag sa intellectual property rights law ang may-ari ng establisimyento.

Iniimbestigahan na rin kung saan inimprenta ang mga pekeng libro.

-- Ulat nina Niko Baua at Henry Atuelan, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.