Nasa 37,000 Sinovac vaccine, nabuburo sa Quezon dahil ayaw ng mga residente | ABS-CBN
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
News
Nasa 37,000 Sinovac vaccine, nabuburo sa Quezon dahil ayaw ng mga residente

ABS-CBN News
Published Nov 25, 2021 05:44 PM PHT
Nabuburo na umano ang mga Sinovac COVID-19 vaccine sa Quezon province dahil ayaw ng mga residente magpaturok nito.

Ayon kay Dr. Tiong Eng Roland Tan, assistant department head ng integrated provincial health office ng Quezon, suliranin ang vaccine hesitancy at pagpili ng brand ng bakuna sa probinsiya.

“'Yung isang bayan sa Catanauan ang preferred po nila ay Moderna," ani Tan matapos ang isang pagpupulong ng mga health office representative ng bawat lalawigan ng Calabarzon sa Batangas City, Huwebes ng umaga.

“Kahit po hindi nila sinasabi 'yung vaccine, 'pag pumipila na po 'yung mga tao, kapag nalaman na Sinovac, nag-aalisan daw po 'yung mga tao," kwento niya.

ADVERTISEMENT
Nasa 37,000 na Sinovac vaccine, o CoronaVac, ang hindi pa umano nagagamit at nakaimbak lang sa provincial health office.

“Madami pa po kaming nasa provincial level. 'Yung mga vaccine po ng mga (rural health units), 37,000 po 'yung mga vaccines po na nasa amin, hindi pa nila kinukuha. Sinovac po lahat 'yung 37,000," ani Tan.

Ayon naman kay vaccine czar Sec. Carlito Galvez Jr., na dumalo sa presentasyon sa Batangas City, "major contribution" ang mga Sinovac vaccine sa pagbabakuna ng publiko sa bansa.

"Kung hindi tayo bumili ng Sinovac, palagay ko hanggang ngayon, wala tayo sa kalahati ng nababakunahan natin. So yung nababakunahan natin ngayon 'yung naa-administer ngayon 78 milyon, kung wala ang Sinovac, siguro ang ating administer ay 30 milyon palang," saad ni Galvez sa ABS-CBN News.

Aniya, dumating lang ang mga COVID-19 vaccine na Western brand simula noong Agosto kaya higit 50 porsyento ng mga bakunang ginamit sa bansa ay Sinovac.

Noong Oktubre, ipinag-utos ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagsiya-shuffle ng mga brand ng bakuna sa bansa dahil umano sa pamimili ng ibang Pilipino ng mga COVID-19 vaccine ng Pfizer at Moderna.

— Ulat ni Andrew Bernardo
KAUGNAY NA ULAT
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT