PatrolPH

Ilang malalaking partido sanib-puwersa para sa Marcos-Duterte tandem

ABS-CBN News

Posted at Nov 25 2021 07:33 PM

Watch more on iWantTFC

MAYNILA — Nagsanib-puwersa ang 4 malalaking partido sa bansa para suportahan ang tandem nina Bongbong Marcos at Sara Duterte-Carpio sa Halalan 2022.

Nagsama-sama ang Partido Federal ng Pilipinas, Lakas-Christian Muslim Democrats, Pwersa ng Masang Pilipino, at Hugpong ng Pagbabago para isulong ang kandidatura nina Marcos at Duterte-Carpio.

Sina Gloria Macapagal Arroyo at Fidel Ramos ang dating namuno sa Lakas-CMD. Si Ramos ay dati ring hepe ng Philippine Constabulary ng diktador na si Ferdinand Marcos, ama ni Bongbong. 

Maaalalang tinalikuran ng panig ni Ramos ang rehimeng Marcos noong 1986 EDSA revolution.
    
Ang Pwersa ng Masang Pilipino naman ay partidong itinatag ni Joseph Estrada.

Malaking bagay ang alyansa para sa tandem nina Marcos at Duterte-Carpio.

"Very significant itong mga major parties na ito... Ito ay simula pa lang sa aming palagay," ani Marcos.

Dagdag pa ni Marcos, nakikipag-usap pa ang kanilang kampo sa iba pang partido.

Nauna nang sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na hindi makikipag-alyansa ng kaniyang partido na PDP-Laban kay Marcos na tinawag niyang mahinang lider.

—Ulat ni Jacque Manabat, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.