Pagpapatupad ng health protocols, hamon sa pilot face-to-face classes | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Pagpapatupad ng health protocols, hamon sa pilot face-to-face classes

ABS-CBN News
Published Nov 24, 2021 05:30 PM PHT

Higit isang linggo nang may face-to-face classes sa Mary Perpetua E. Brioso National High School sa Masbate.

Naka-adjust na umano ang mga estudyante sa pag-aaral sa "new normal," gaya ng senior high school student na si Christine Joy Bulanon.

Ramdam ni Bulanon na ligtas siya dahil sa health protocols pero may ilang hamon din.

"Nahihirapan po kasi kaming maintindihan iyong lesson kasi po naka-face mask, hindi namin marinig masyado iyong sinasabi nila," ani Bulanon.

ADVERTISEMENT
"Sinasabi po namin, kaya nilalakasan na lang po niya (guro) iyong boses niya," aniya.

Ang nabanggit ni Bulanon ang isa sa mga kinikilala ng Department of Education na pagsubok sa mga estudyante sa unang linggo ng pilot face-to-face classes.

Sa mga guro naman, naobserbahang limitado ang kanilang oras upang tugunan lahat ng mga tanong ng mga estudyante dahil hanggang 4 na oras lang ang mga klase.

Pagsubok din ang pagkakaroon ng sapat na pondo para sa health essentials at pagpapatupad ng health protocols sa lahat ng mga estudyante, school personnel at naghahatid-sundo sa mga bata.

Sa kabila ng mga hamon, zero COVID-19 cases pa rin sa mga pilot school.
Sa kabila ng mga hamon, zero COVID-19 cases pa rin sa mga pilot school.
ADVERTISEMENT
Dalawang buwan tatagal ang pilot implementation ng face-to-face classes pero ngayon pa lang, pinag-uusapan na ang pagpapalawig nito at naghahanda na rin ang ibang paaralan.

Sa Pasig, nagsagawa ng dry run ang isang elementary school sakaling pormal nang ianunsiyo ang kanilang pagsisimula ng face-to-face classes.

Ayon kay Education Secretary Leonor Briones, nakabatay sa risk assessment ang pagpayag nitong magbukas na ang mga paaralan sa Metro Manila at iba pang rehiyon.

"Nakahanda naman iyong listahan namin, 'pag favorable ang risk assessment," ani Briones.

Nangako ang DepEd na patuloy na babantayan ang pagpapatupad ng face-to-face classes lalo na't patungo ito sa pagbubukas ng mas maraming eskuwelahan.

— Ulat ni Arra Perez, ABS-CBN News
Read More:
PatrolPH
Tagalog news
edukasyon
pilot face-to-face classes
face-to-face classes
Department of Education
School Year 2021-2022
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT