Tangke at kotse, nagbanggaan sa EDSA | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Tangke at kotse, nagbanggaan sa EDSA
Tangke at kotse, nagbanggaan sa EDSA
ABS-CBN News
Published Nov 24, 2018 01:37 AM PHT
|
Updated Nov 24, 2018 04:59 AM PHT

MAYNILA - (UPDATE) Nagbanggaan ang isang kotse at isang tangke ng Philippine Marines sa southbound lane ng EDSA paglagpas ng LRT Muñoz Station pasado alas-7 Biyernes ng gabi.

Natanggal ang rear bumper at kaliwang rear light ng pulang kotse na natamaan sa gilid ng tangke.

Pangatlong sasakyan ang tangke sa convoy ng 11 sasakyan ng Marines na pabalik ng Fort Bonifacio mula sa Capas, Tarlac.

Ayon sa drayber ng tangke na si Joel Gabay, biglang sumingit sa harapan nito ang kotse mula sa kanan.
Ayon sa drayber ng tangke na si Joel Gabay, biglang sumingit sa harapan nito ang kotse mula sa kanan.
ADVERTISEMENT
Itinanggi naman ito ng drayber ng kotse na hiniling na itago ang kaniyang pangalan. Drayber siya ng isang transport network vehicle service (TNVS).

Aniya, umiwas siya sa convoy na kasabay nitong bumabiyahe sa EDSA pero sinagi umano siya ng tangke at saka kinaladkad.

Isang oras naharang ang lane ng EDSA habang hinintay ang traffic investigator.

Naiwan naman sa kalsada ang mga bubog mula sa sasakyan nang inalis na ito at dinala sa traffic bureau. Hinayaan namang tumuloy sa Taguig ang convoy ng militar.

Lumuwag na rin ang daloy ng trapik sa southbound lane pasado alas-8 ng gabi.

Nakatakda namang mag-usap ang TNVS driver at ang mga tauhan ng Marines para maayos ang insidente. - ulat ni Anjo Bagaoisan, ABS-CBN News