OFW na umano'y inaabuso ng amo, nananawagan ng tulong para makauwi sa Pilipinas | ABS-CBN
ADVERTISEMENT
![dpo-dps-seal](https://od2-image-api.abs-cbn.com/prod/Seal_Image_OD.png)
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
OFW na umano'y inaabuso ng amo, nananawagan ng tulong para makauwi sa Pilipinas

Jasmin Romero,
ABS-CBN News
Published Nov 23, 2021 10:46 PM PHT
![Clipboard](https://od2-image-api.abs-cbn.com/prod/ClipboardNews.png)
Isang overseas Filipino worker na umano'y inaabuso ng kaniyang employer ang humihingi ng tulong para makauwi na sa Pilipinas.

Sa pamamagitan ng isang video, palihim na kinuhanan ni "Linda" ang umano'y hindi magandang pagtrato sa kaniya ng kaniyang amo.

Isang kasambahay sa Saudi Arabia si Linda. Aniya, sinasampal siya ng kaniyang among lalaki.

"Sobrang sakit, kumikirot yung dito ko (points to her ear), yung ngipin ko, yung ulo ko...uuwi na lang ako," aniya.
"Sobrang sakit, kumikirot yung dito ko (points to her ear), yung ngipin ko, yung ulo ko...uuwi na lang ako," aniya.
ADVERTISEMENT
Nang magsabi siya na gusto na niyang umuwi, pinagbantaan umano siya ng kaniyang amo.

"Ilang beses akong binabantaan. Nung una, noong May, sinabihan ako na kung magpupumilit akong umuwi, papatayin nila ako. Ngayon naman, sabi sa akin kung gugustuhin nya daw akong saktan ng paulit-ulit wala daw siyang pakialam at kayang kaya daw niya gawin sa akin," kuwento ni Linda.

Ilang beses na rin umano siyang tinangkang ibenta ng kaniyang amo.

"Una sa salon, ibinenta nila ako ng 20,000, hindi pumayag ang salon. Kinausap na naman siya ng lalaki, gusto ako ibenta, dadalhin ako sa Dammam, mag-aalaga ako ng matanda. Sabi ko hindi, uuwi na lang ako," ani Linda.

Hindi mapigilan ng pamilya ni Linda na mag-alala lalo't makailang beses na rin silang humingi ng tulong sa recruitment agency at sa gobyerno.

Hindi na bago ang kuwento ni Linda kaya't ilang beses na ring pinag-isipan ng pamahalaan na magpatupad ng deployment ban para matigil na ang pang-aabuso hindi lamang sa mga manggagawang Filipino.

Tiniyak ni Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) Administrator Hans Leo Cacdac na ginagawa nila ang lahat para mapauwi si Linda.

"Ang target natin dito as much as possible within one week makauwi na siya," aniya.

"Wag kang mag-alala, dito ka sa Pilipinas magpa-Pasko," dagdag pa ni Cacdac.

Paalala ng awtoridad sa mga nagbabalak na magtrabaho bilang kasambahay sa ibang bansa na pag-isipan itong mabuti.