Contractual workers ng gobyerno nagmamakaawa ng pamasko | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Contractual workers ng gobyerno nagmamakaawa ng pamasko

ABS-CBN News
Published Nov 23, 2021 06:11 PM PHT
|
Updated Nov 23, 2021 08:23 PM PHT

MAYNILA — Humihingi ang mga contract of service (COS) at job order (JO) workers na nagtatrabaho sa gobyerno ng P10,000 “gratuity pay” bilang pamasko.

Hindi kasi tulad ng government workers na regular at may permanenteng posisyon o plantilla, walang natatanggap na 13th month pay at iba pang benepisyo ang mga nasa kategorya nila.

Ipinakita ni Jose Florencio ang disconnection notice ng Meralco nila. Bilang COS worker ng isang LGU, hirap siyang pagkasyahin ang sahod na P300 per day.

"Four thousand pesos 'yung utang namin sa Meralco, bukas mapuputulan na kami… Hirap na hirap na rin po kami sa aming kalagayan kasi isipin po natin, sa sahod sa munisipyo na P300 per day, mahirap siyang ibuhay," hinaing niya.

ADVERTISEMENT
Sa pinakahuling datos ng Civil Service Commission, pinakamaraming COS at job order workers sa mga LGU, na sinusundan ng mga nasa national government agency. Pero sa kabuaan, umaabot ang kanilang bilang sa 582,378.

Sa website ng CSC, ang COS ay isang indibidwal o private firm na kinukuha para magbigay ng pansamantalang serbisyo gaya ng pagiging consultant, learning service provider o technical expert.

Seasonal at emergency jobs naman ang nakatoka sa mga job order gaya ng paglilinis o clearing operations.

Pero marami sa mga manggagawang ito, bumilang na ng maraming taon sa serbisyo. At dahil hindi regular na empleyado, wala silang benepisyo.

"Hindi kami tumatamasa ng anumang benepisyo na tinatanggap ng isang regular na manggagawa. Tulad ng vacation leave, sick leave, parental leave, 13th month pay… Hindi kalabisan 'yung aming P10,000 na aming hiling. Kung tutuusin, kakarampot nga ito," sabi ni Glenn Cabradilla, contractual worker ng pamahalaan.

Paliwanag naman ni CSC Commissioner Aileen Lizada, hindi sakop ang mga JO at COS ng personal services budget mula DBM na para sa suweldo at benepisyo ng mga regular o permanent workers ng pamahalaan.

Kaya ang hinihinging "gratuity pay" ay kailangang hanapan ng pondo.

"It is a prerogative po ng executive department at puwede hong hanapan ito ng DBM ng pondo, hopefully ho mahahanapan sila... Ito ho 'yung nilalagaqy natin sa frontline, especially ngayon sa pandemic, sila ho 'yung nagske-skeleton workforce," sabi ni Lizada.

Ayon naman kay Lizada, civil service eligibility exam na lang ang kulang ng maraming COS at JO workers na requirement sa government service.

Isa ito sa tinututukan ng CSC lalo’t mahigit 200,000 pa ang plantilla positions na kailangang punan sa gobyerno.
Isa ito sa tinututukan ng CSC lalo’t mahigit 200,000 pa ang plantilla positions na kailangang punan sa gobyerno.
ADVERTISEMENT
Sa isang pahayag, sinabi ng Palasyo na pag-aaralan pa ang hirit ng mga naghihikahos na contractual na manggagawa ng gobyerno.

"The DBM is studying the matter based on the fund utilization of agencies," sabi ni acting Palace spokesman Karlo Nograles.

—Ulat ni Zen Hernandez, ABS-CBN News
Read More:
PatrolPh
Tagalog news
balita
TV Patrol
TV PATROL TOP
hanapbuhay
kontraktwal
contractual workers
trabaho
CSC
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT