Ano ang dapat gawin kung makatanggap ng scam text? Ilang awtoridad may payo | ABS-CBN

Featured:
|

ADVERTISEMENT

Featured:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Ano ang dapat gawin kung makatanggap ng scam text? Ilang awtoridad may payo

Ano ang dapat gawin kung makatanggap ng scam text? Ilang awtoridad may payo

ABS-CBN News

 | 

Updated Nov 23, 2021 10:40 PM PHT

Clipboard

Watch more in iWantv or TFC.tv

(UPDATE) Sa isang umaga, 17 beses nakakatanggap ng spam messages si Anderson Punzalan.

"Iba pa 'yung hapon, iba pa 'yung gabi. So nagtaka na po ako kung saan nila nakukuha 'yung number ko considering po na it's worth saying na bago po 'yung cellphone ko, bago 'yung SIM ko. Ibig sabihin, hindi pa ako nagsu-subscribe sa kahit ano," ani Punzalan sa Teleradyo.

Isa si Punzalan sa mga nakatanggap ng text message mula sa job hiring o pautang.

Si Davy Jean Osaias naman, sinagot ang text message sa kaniya noong Nobyembre 18 na nag-aalok ng online job.

ADVERTISEMENT

Naengganyo rin siya dahil nakakuha siya ng komisyon sa unang transaksiyon kaya tinaggap niya ang ibinigay na anim pang tasks o transaksiyon.

"Natataranta na po ako kasi minamadali niya rin ako para matapos 'yung task ko. Kasi po kaya nya pinagmamadali, 'yung mga produktong naka-oras kami. Kunwari po ngayon 'pag 'di n'yo pa po nabayaran 'yung task na 'yun mafo-frozen 'yung produkto na 'yun. Ipapaulit na naman 'yung task," ani Osias.

Sabi ni Osias, ang sistema ay lumalabas na middleman ang scammer sa pagitan niya at ng online customer. Pinapadala pa sa kaniya ng scammer ang pictures ng items na in-order umano ng customer, at kailangan niyang abonohan ito para makakuha ng komisyon.

Sa anim na transaksiyon, umabot sa P99,700 ang naipaluwal ni Osias na ipinadala niya as account ng middleman o scammer. At nang hingin na niya ang puhunan at komisyon, sinisingil pa raw siya ng penalty.

"Sinasabi nya po manghiram ka sa mga friends mo, pagkakataon mo na ito para ma-withdraw mo na lahat ng pera. Sasayangin mo ba lahat ng effort mo na pinagbabayad mo sa akin? May gano'n pong salita niya," ani Osias.

ADVERTISEMENT

Nasa P172,000 ang halaga ng produktong penalty umano na isang mesa. At dahil hindi na sumagot ang scammer sa mga message niya, doon na niya naisip na biktima siya ng scam.

May payo ang ilang awtoridad para hindi mabiktima ng text message mula sa job hiring o pautang na natatanggap ng mga mobile phone user kamakailan.

Payo ni National Bureau of Investigation (NBI) anti-cybercrime chief Victor Lorenzo: "Kapag nag-reply ka, intended target ka na. Pagka naka-receive ka ng ganyan, talagang dapat i-ignore lang."

Dagdag niya: "Pagka naka-receive ka na qualified ka sa trabaho na inaaplayan mo, hindi ka naman nag-aaplay ng trabaho, scam na ho 'yun. Or kapag may nag-text sa 'yo may napanalunan ka, hindi ka naman sumasali sa contest or any raffle, kaduda-duda po 'yun."

Duda naman si Lorenzo na nakuha ng scammers sa contact tracing forms ang numero ng mga nakatatanggap ng mga mensahe.

ADVERTISEMENT

Patunay aniya rito ay walang pangalan ng receiver ang mga spam message. Ayon kay Lorenzo, hirap ang mga scammer na kumuha ng personal na impormasyon sa taong nangalap ng datos.

May data privacy act din aniya para protektahan ang datos ng lahat.

Payo naman ni PNP Anti-Cybercrime Group Director Police Brig. Gen. Robert Rodriguez na dapat maging maingat ang publiko at huwag agad magtitiwala sa natatanggap na spam messages.

"You should always be very careful sa online, sa mga text message, huwag agad magtiwala at huwag kaagad magbigay ng personal information lalo na 'yung bank accounts, mga OTP (one-time pin) numbers na binibigay ng banks sa atin, mga credit card po, kailangan huwag mag-online, kasi napakadelikado po," ani Rodriguez.

Ipinatatawag na rin ng National Privacy Commission (NPC) ang mga telecommunication company, retail stores, at ilang bangko matapos ang mga reklamo.

ADVERTISEMENT

Pag-uusapan din ng ahensiya kung paano mapoprotektahan ang mga kustomer o subscriber laban sa mga scam, gaya ng smishing.

Ayon pa kay NPC Commissioner Raymund Liboro, posibleng sa organisadong global syndicate ito nangyari.

"Kung kayo ay nakatatanggap nito i-block niyo na. Huwag niyo nang tatangkilikin," ani Liboro.

Duda rin si Liboro na galing ito sa mga contact tracing form.

Tiniyak naman ng Malacañang na pinagtutuunan na nila ito ng pansin at inataasan ang NTC na gawin ang kanilang trabaho.

-- May mga ulat ni Wheng Hidalgo, ABS-CBN News

Watch more in iWantv or TFC.tv

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.