Ilaw na gawa sa tubo at plastic, handog sa ilang binaha sa Cagayan | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Ilaw na gawa sa tubo at plastic, handog sa ilang binaha sa Cagayan

ABS-CBN News
Published Nov 23, 2020 09:00 PM PHT

Kapag nakaririnig na may bigayan ng ayuda, naroon agad ang 64 anyos na si Palmera Calagayan, residente ng Solana, Cagayan.

Kahit hirap na ang katawan, walang ibang opsiyon si Calagayan kundi ang maghanap ng makakain at magtrabaho para sa pamilya, mula nang mabaldado ang asawa.

Mas mahirap umano ngayong hirap ang industriya ng mais, kung saan sila umaasa.

"Ako na lang nagtatrabaho, wala nang iba... mahirap talaga, mahirap," ani Calagayan.
"Ako na lang nagtatrabaho, wala nang iba... mahirap talaga, mahirap," ani Calagayan.
ADVERTISEMENT
Nakatanggap si Calagayan ng "light tube" o ilaw na gawa sa recycled materials gaya ng tubo at plastik. Kaya umano nitong magpailaw ng 10 oras kada araw sa loob ng 5 taon.

Tinitipid at iniipon naman ni Mirasol Chavez, residente rin ng Solana, ang bawat ayudang natatanggap niya.

Nakasinop ang mga biskuwit, de-lata at kape na natanggap ni Chavez.

Balak daw niyang ipadala ito sa mga kaanak na nasa Catanduanes, na hindi pa naaabutan ng ayuda.

"Gusto ko lang matulungan magulang ko sa Bicol, sa Catanduanes," ani Chavez.

Hindi rin biro ang naranasan ni Chavez sa nagdaang baha, kung saan nalubog ang lahat ng gamit nila.

Sa bubong din namalagi sina Chavez nang manalasa ang bagyong Ulysses.

Mula sa bahay ni Chavez, nasa 250 hanggang 300 metro ang layo ng Cagayan River.

Patuloy ang pagdating ng ayuda sa mga barangay nina Chavez at Calagayan.

RELATED STORY:
-- Ulat ni Jacque Manabat, ABS-CBN News
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT