2 patay sa sunog sa Pasay | ABS-CBN

Featured:
|

ADVERTISEMENT

Featured:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

2 patay sa sunog sa Pasay

2 patay sa sunog sa Pasay

ABS-CBN News

 | 

Updated Nov 23, 2020 12:41 PM PHT

Clipboard

Sumiklab ang sunog sa isang residential area sa Barangay 43, Pasay City nitong Nobyembre 23, 2020. Retrato mula kay Rap Rodriguez

MAYNILA — Patay ang 2 babae matapos maipit sa bahay na gumuho kasunod ng isang sunog sa Barangay 43, Pasay City nitong umaga ng Lunes.

Sugatan din ang 3 fire volunteer na rumesponde sa sunog, na tumama sa aabot sa 10 bahay sa may Tramo Street.

Magkasunod na natagpuan ng mga awtoridad ang mga bangkay nina Cindy Navarro, 29, at Lynn Eboña, 39, higit isang oras matapos maapula ang sunog sa lugar bago mag-alas-8 ng umaga.

Hindi nakalabas sa nasusunog na bahay ang 2 babae nang may balikang gamit, ani Fire Supt. Jay Bernard Peñas, hepe ng Pasay City Fire Station.

ADVERTISEMENT

Nailigtas ni Navarro ang kaniyang anak na sanggol nang ibato niya sa asawang nakalabas ng gusali, sabi ni Mary Anne Liro, ina ng nasawi.

Nasugatan naman ang mga fire volunteer na sina Aubrey Mae Bertus, Aeron Aldaba at Rommel Ocenar nang mabagsakan ng bahagi ng pader mula sa bahay.

Watch more in iWantv or TFC.tv

Ayon sa Bureau of Fire Protection-National Capital Region, nagsimula ang sunog pasado alas-5:30 ng umaga sa isang 5-palapag na gusali.

Mabilis itinaas sa ikalawang alarma ang responde dahil nasa looban ng residential area ang pinagmulan ng apoy.

Nagtulungan na rin ang mga kapitbahay sa pag-apula sa sunog mula sa mga bubong.

ADVERTISEMENT

Kinailangan ding umakyat ng mga bombero para maabot ang nasusunog na bahay.

Dagdag ni Peña, mahina na rin ang mga istruktura kaya may mga gumuhong bahay.

Aabot sa P300,000 ang halaga ng natupok at aabot sa 30 pamilya ang apektado.

Patuloy ang imbestigasyon sa pinagmulan ng apoy.

-- Ulat ni Anjo Bagaoisan, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.