Lasing na CAFGU, nanutok umano ng baril sa loob ng bar | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Lasing na CAFGU, nanutok umano ng baril sa loob ng bar

Dynah Diestro,
ABS-CBN News
Published Nov 23, 2017 07:52 PM PHT

Isang 25-taong gulang na miyembro ng Citizen Armed Force Geographical Unit (CAFGU) ang inaresto matapos umano manutok ng baril sa loob ng isang bar sa Dipolog City Martes ng gabi.

Ayon sa report, itinutok umano ni Jessie Janolino ang dala niyang baril sa mga kostumer sa loob ng isang bar.

Pinaniniwalaang lasing si Janolino nang mangyari ang insidente.

Base sa imbestigasyon, sinusubukan ni Janolino na pigilan ang komosyon sa loob ng bar, ngunit itinutok umano niya ang kaniyang baril sa ibang mga kostumer.

Aktibong miyembro ng CAFGU Auxiliary Base sa Barangay Del Pilar sa bayan ng Piñan, Zamboanga del Norte si Janolino.

Haharap sa kasong grave threat at illegal possession of firearms si Janolino dahil hindi siya nakapagpakita ng permit para sa dala niyang kalibre .45 na baril.