FDA, nagbabala laban sa pekeng gamot | ABS-CBN

ABS-CBN Ball 2025:
|

ADVERTISEMENT

ABS-CBN Ball 2025:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

FDA, nagbabala laban sa pekeng gamot

FDA, nagbabala laban sa pekeng gamot

ABS-CBN News

Clipboard

Binalaan ng Food and Drugs Administration (FDA) ang publiko laban sa paggamit ng mga pekeng gamot na kopya sa mga branded na gamot.

- Dolfenal (Mefenamic Acid), 500mg Tablet
- Tuseran Forte (Dextromethrophan HBr + Phenylphrine HCl + Paracetamol), 15mg/10mg/325mg capsule
- Diatabs (Loperamide), 2mg Capsule
- Alaxan FR (Ibuprofen + Paracetamol), 200mg/325mg Capsule
- Neozep Forte (Phenylephrine HCl + Chlorophenamine Maleate + Paracetamol), 10mg/2mg/500mg Tablet

Kinumpirma ng FDA at ng United Laboratories Inc., manufacturer ng mga branded na gamot, na peke ang mga produktong nabanggit.

Babala ng FDA, ang mga pekeng produkto ay "maaaring magdulot ng panganib sa kalusugan ng mga gagamit ng mga ito."

ADVERTISEMENT

Pinaalalahanan nila ang publiko na bumili lamang ng mga gamot sa mga botika o pamilihang lisensyado ng FDA at ugaliing hanapin ang FDA Registration Number sa label ng mga produktong bibilhin.

Dagdag ng ahensya, ang pag-aangkat at pagbebenta ng mga ito ay paglabag sa Food and Drug Admistration Act of 2009 (RA 9711) at Special Law on Counterfeit Drugs (RA 8203).

"Ang lahat ay binabalaan na ang pagbebenta, pag-aankat, at pamamahagi ng nasabbing mga pekeng gamot ay ipinagbabawal at may kaukulang parusa," sabi sa kanilang advisory.

Kanila ring hinihikayat ang mga lokal na pamahalaan at iba pang mga kaugnay na ahensya na siguraduhing ang mga pekeng produktong nabanggit ay hindi matatagpuan sa kanilang mga pinamamahalaan.

Sakaling may matagpuang patuloy na nagtitinda o nangangalakal ng mga pekeng produkto, maaaring sumangguni at magsumbong sa FDA sa pamamagitan ng e-mail (report@fda.gov.ph) o pagtawag (807-8275).

Maaari namang i-report sa FDA ang hindi kanais-nais na reaksyon sa gamot sa website na: www.fda.gov.ph/adr-report-new

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.