COVID-19 cases sa Pilipinas umakyat sa 418,818 | ABS-CBN

ABS-CBN Ball 2025:
|

ADVERTISEMENT

ABS-CBN Ball 2025:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

COVID-19 cases sa Pilipinas umakyat sa 418,818

COVID-19 cases sa Pilipinas umakyat sa 418,818

ABS-CBN News

Clipboard

Drive-through COVID-19 testing center sa Quirino Grandstand sa Maynila noong Hulyo 18, 2020. Mark Demayo, ABS-CBN News

Nadagdagan ng 1,968 ang mga pasyente sa Pilipinas na nag-positibo sa coronavirus disease, dahilan para umakyat sa 418,818 ang kabuuang bilang ng mga kaso, sabi ngayong Linggo ng Department of Health (DOH).

Nakapagtala rin ang DOH ng 10,957 bagong gumaling sa COVID-19 sa ilalim ng "Oplan Recovery" program para sa kabuuang 386,486 recoveries.

Umakyat naman sa 8,123 ang death toll matapos makapagtala ng 43 bagong pagkamatay.

Dahil sa mga gumaling at binawian ng buhay, 24,209 ang active cases sa Pilipinas o iyong mga hindi pa gumagaling sa sakit, ayon sa DOH.

ADVERTISEMENT

Karamihan sa mga bagong kasong naitala ngayong Linggo ay galing sa Cavite, na may 107 bagong kaso. Sinundan ito ng Quezon City na may 97 bagong kaso.

Umabot na sa 58.1 milyon ang nagkakaroon ng COVID-19 sa buong mundo, base sa tala ng Johns Hopkins Coronavirus Resource Center.

Nangunguna ang Amerika sa mga bansang may pinakamaraming kaso ng sakit, na may higit 12 milyon pasyente.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.