Kawani ng MMDA, binugbog ng sinitang bus driver at konduktor | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Kawani ng MMDA, binugbog ng sinitang bus driver at konduktor

ABS-CBN News
Published Nov 22, 2019 11:08 AM PHT
|
Updated Nov 22, 2019 08:18 PM PHT

MAYNILA - Sa ospital nauwi ang isang kasapi ng Metropolitan Manila Development Authority matapos siyang pagtulungang bugbugin ng driver at konduktor ng bus na kaniyang sinita sa may bahagi ng EDSA-Ortigas northbound, Biyernes ng umaga.

Agad na dinala sa The Medical City si Arvin Gabay, miyembro ng Sidewalk Clearing Operations Group ng MMDA.

"Yung tao nating nagko-conduct ng clearing sa gilid ng Robinsons Galleria sa EDSA, katuwang po natin 'yan sa pagmamando ng trapik. Napansin niya 'yung isang bus hindi umuusad, naghihintay ng pasahero, sinita po niya," sabi ni MMDA EDSA Traffic Operations Officer 2 Jeffrey Torres sa panayam sa DZMM.

Nagkasagutan umano si Gabay at mga suspek hanggang sa babain siya ng mga ito at pagtulungang bugbugin.

ADVERTISEMENT
"Narespondehan namin pati po ng HPG (Highway Patrol Group) kaya nadampot 'yung driver at konduktor," ani Torres.

Ayon pa kay Torres, driver at konduktor ng Diamond Star bus na may biyaheng Malanday ang mga nambugbog kay Gabay.

"Initial violation is obstruction po. Upon verification, 'yung lisensiya niya expired nga po so driving with invalid license na po," paliwanag ni Torres sa ilang mga kasong isasampa nila sa mga suspek. May ulat ni Zandro Ochona, ABS-CBN News