Bahay ni Jimmy Bondoc, nilooban | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Bahay ni Jimmy Bondoc, nilooban
Bahay ni Jimmy Bondoc, nilooban
ABS-CBN News
Published Nov 21, 2018 06:25 PM PHT
|
Updated Sep 30, 2019 03:02 PM PHT

Natangayan ng ilang gadgets ang pamilya ng mang-aawit at Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) official na si Jimmy Bondoc matapos looban ang kanilang bahay sa Quezon City noong madaling araw ng Martes.

Si Bondoc ay Vice President for Corporate Social Responsibility Group ng ahensiya.

Ayon kay Bondoc, nakuha ng mga kawatan ang laptop ng kaniyang kapatid at ang kamera ng kanilang ama, na kapapanaw lamang.

Nakuhanan pa ng CCTV sa bahay nina Bondoc ang insidente.

ADVERTISEMENT
"Pag pasok niya nag-ikot-ikot siya, kinuha 'yong laptop ng younger sister ko, pero pinakamasakit sa lahat kinuha niya 'yong camera ng daddy ko," sabi ni Bondoc.

"Nandoon pa naman 'yong mga laman ng pictures na huli niyang mga kuha," dagdag ni Bondoc ukol sa ninakaw na kamera.

Ayon kay National Capital Region Police Office chief Director Guillermo Eleazar, posibleng natiktikan ng mga kawatan ang bahay kaya nakapagplano bago sumalakay.

"Nakita naman natin na base sa CCTV ay mukhang sanay na," ani Eleazar.

Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya sa insidente at pagtugis sa mga kawatan.

--Ulat ni Jerome Lantin, ABS-CBN News
Read More:
PatrolPH
Tagalog news
balita
krimen
pagnanakaw
CCTV
robbery
Jimmy Bondoc
NCRPO
National Capital Region Police Office
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT