Bagyong Samuel, nagdulot ng pagbaha sa Visayas | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Bagyong Samuel, nagdulot ng pagbaha sa Visayas

ABS-CBN News
Published Nov 21, 2018 08:28 PM PHT
|
Updated Sep 30, 2019 03:03 PM PHT

Matinding pagbaha ang idinulot ng bagyong Samuel sa ilang lugar sa Visayas, dahilan para mapilitang magbangka ang ilang residente.

Kabilang sa mga nakaranas ng pagbaha ang bayan ng Catubig, Northern Samar, kung saan lagpas-tao at umaabot na sa bubong ng mga bahay ang taas ng tubig, base sa mga retratong ipinadala ng mga Bayan Patroller.

Sa Borongan, Eastern Samar unang nag-landfall o tumama ang bagyo nitong madaling araw ng Miyerkoles.

Sa bayan naman ng Arteche, Eastern Samar, umabot hanggang dibdib ang taas ng baha.

ADVERTISEMENT
Halos hindi naman makita ang mga kalsada dahil sa taas ng baha sa Dolores, Eastern Samar.

Nagkaroon naman ng landslide o pagguho ng lupa sa Taft, Eastern Samar.

Nakaranas din ng pagbaha sa Iloilo City.

Sa Bacolod City, dalawang gabi nang stranded sa pantalan ang 50 pasahero na papuntang Iloilo.

Bukod sa mga lugar sa Visayas, naapektuhan din ng bagyong Samuel ang ilang bahagi ng hilagang Mindanao bagaman bumuti na ang panahon doon ngayong Miyerkoles.

Sa Surigao City, pinayagan nang makabiyahe ang mga cargo truck at bus.

Nakauwi na rin sa kani-kanilang mga bahay ang mga residente sa Dinagat Island at Surigao Del Sur.

Ayon naman sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), bahagyang bumagal ang bagyong Samuel habang patuloy nitong tinatahak ang direksiyon patungong Palawan.

Sa 5 p.m. advisory ng PAGASA, may bilis si Samuel na 30 kilometro kada oras (kph), mas mabagal mula sa 40 kph na naiulat noong umaga ng Miyerkoles.

Humina rin ito sa 45 kph na lakas ng hangin at may pagbugsong aabot sa 60 kph.

Huling namataan ang bagyo sa layong 65 kilometro south, southeast ng Cuyo, Palawan.

Nakataas ang storm signal no. 1 sa mga sumusunod na lugar:
-Romblon
-Southern Occidental Mindoro
-Southern Oriental Mindoro
-Palawan kasama ang Calamian at Cuyo groups of islands
-Guimaras
-Iloilo
-Capiz
-Aklan
-Antique

Inaasahan ang huli at ikaanim na landfall ngayong gabi ng Miyerkoles sa hilagang Palawan.

Patuloy na makararanas ng pabugso-bugsong malalakas na ulan hanggang Huwebes ang natitirang bahagi ng mga rehiyon ng Mimaropa, Calabarzon, at Western Visayas, at mga lalawigan ng Aurora, Camarines Norte, Camarines Sur, at Catanduanes.

Sa Metro Manila, inaasahang gaganda ang panahon sa Huwebes.

--Ulat nina Jenette Ruedas at Kim Atienza, ABS-CBN News
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT