ALAMIN: Pagbibilad ng palay sa mga gilid highway, ipinagbabawal ba? | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

ALAMIN: Pagbibilad ng palay sa mga gilid highway, ipinagbabawal ba?

ALAMIN: Pagbibilad ng palay sa mga gilid highway, ipinagbabawal ba?

ABS-CBN News

Clipboard

Watch more in iWantv or TFC.tv

Inabisuhan ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang mga magsasaka na ngayong harvest season ay huwag magbilad ng kanilang mga palay sa mga highway.

Bagama't alinsunod ang pagparusa sa Presidential Decree 17 o "Philippine Highways Act," may lusot ba ang mga magsasaka dito?

Para kay Atty. Claire Castro, dapat munang tingnan ng gobyerno kung nabibigyan ba ng sapat na kagamitan sa pag-aani ang mga magsasaka.

Alinsunod kasi sa Republic Act 7607 o ang "Magna Carta for Small Farmers," dapat binibigyan ng Department of Agriculture ng mga tinatawag na "post-harvest facilities" ang mga magsasaka na makatutulong sa kanilang pag-aani ng tanim.

ADVERTISEMENT

Kabilang dito ang espasyo para makapagbilad ng palay ang mga magsasaka.

"Sa bawat barangay na agricultural-based, dapat maglaan ng storage o pavement o warehouse kung saan magkakaroon ng pagpapatuyo ng palay. Dapat tingnan muna kung nagawa na ba ito," aniya sa "Usapang de Campanilla nitong Martes.

"Ang gobyerno muna ang dapat mag-start bago sila manisi kung bakit sila maglagay ng palay. Parte ito ng pagbibigay ng lupa, meron dapat support after that. Iyon ang nawawala" dagdag niya.

Para sa abogado, mas dapat parusahan ang mga magsasakang magbibilad ng palay sa kalsada kahit na mayroon naman silang pasilidad para magbilad nito.

Pinaalala ng DPWH na papatawan ng P1,000 multa at pagkakakulong na aabot sa anim na buwan ang mga lalabag sa P.D. 17, na layong parusahan ang mga haharang sa mga highway ng bansa.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.