7 patay sa leptospirosis sa Bacolod City | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
7 patay sa leptospirosis sa Bacolod City

ABS-CBN News
Published Nov 20, 2022 12:29 PM PHT

Pitong tao ang nasawi sa leptospirosis sa Bacolod City, sabi ngayong Linggo ng city health office (CHO), na nagpaalala sa mga residente ng ilang hakbang para maiwasan ang sakit na nakukuha sa baha.

Base sa tala ng CHO, umabot sa 35 ang kumpirmadong kaso ng leptospirosis sa lungsod, karamiha'y galing sa Barangay Singccang at nasa edad 21 hanggang 30.

Dahil dito, nagpaalala si Dr. Grace Tan, CHO sanitation division head, sa publiko na hangga't maaari ay huwag sumuong sa tubig-baha.

Pero kung hindi talaga aniya maiwasan, tiyaking may suot na bota at gloves.

ADVERTISEMENT
Kapag nalantad sa maruming tUbig, agad uminom ng prophylaxis sa loob nang 24 hanggang 48 na oras at magpakonsulta sa doktor kapag nakaramdam ng lagnat at pananakit ng kalamnan, lalo sa hita.

Ang leptospirosis ay sakit na nakukuha sa tubig na kontaminado ng ihi ng hayop na may leptospira bacteria.

Madalas nagmumula ang impeksiyon sa tubig-baha, lalo na kapag may sugat na puwedeng pasukin ng bacteria.

— Ulat ni Angelo Angolo
KAUGNAY NA VIDEO
Read More:
PatrolPH
Tagalog news
rehiyon
regions
regional news
Bacolod
leptospirosis
kalusugan
baha
Bacolod City
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT