Relocation site para sa mga bakwit, inihanda sa Davao del Sur | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Relocation site para sa mga bakwit, inihanda sa Davao del Sur

Relocation site para sa mga bakwit, inihanda sa Davao del Sur

Claire Cornelio,

ABS-CBN News

Clipboard

MAGSAYSAY, Davao Del Sur - Tukoy na ng lokal na pamahalaan ng bayan ng Magsaysay, Davao del Sur ang mga relocation site na paglilipatan ng mga bakwit na nasa 10 evacuation center.

Sa Barangay Malawanit, nabili ang isang lupa na may lawak na 2.8 ektarya, na paglilipatan ng higit 50 na pamilya na naapektuhan ng sunud-sunod na lindol nitong Oktubre.

Base sa pagsusuri ng Mines and Geosciences Bureau at Phivolcs, ligtas mula sa landslide ang lugar na napili.

Ayon kay Barangay Chairman Dennis Helbes, handa silang magtayo ng mga bahay sa lugar.

ADVERTISEMENT

"As soon as possible lilipat na sila kaya nagpapakuha na tayo ng kahoy kasi may nag-sponsor ng yero," ani Helbes.

Sa ibang relocation sites, inaayos na ang mga papeles ng lupa para ito ay mabili na ng lokal na pamahalaan.

Gagamitin din ng lokal na pamahalaan ang P13 milyon na cash assistance na kanilang naipon sa pagpapagawa ng mga bahay.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.