Naantalang pagkuha ng birth certificate nais gawing libre | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

News

Naantalang pagkuha ng birth certificate nais gawing libre

Naantalang pagkuha ng birth certificate nais gawing libre

ABS-CBN News

 | 

Updated Nov 23, 2019 08:30 PM PHT

Clipboard

Watch more in iWantv or TFC.tv

MAYNILA — Isinusulong ngayon sa Kongreso ang panukalang gawing libre ang pagkuha ng delayed registration of birth.

Lumalabas kasi sa datos ng Philippine Statistics Authority (PSA) na nasa higit 7 milyong Pilipino ang hindi rehistrado sa kanilang ahensiya, karamihan ay mga bata.

"Pag nag-aral ang bata, birth certificate ang kailangan... Pag naghanap ng trabaho, kailangan din ng birth certificate para ma-enjoy ang social services ng gobyerno, at siyempre national identity," paliwanag ni Fred Sollesta, assistant national statistician ng PSA.

Dapat kasi sa loob ng 30 araw mula nang ipinanganak, iparerehistro agad ng magulang ang sanggol sa Civil Registrar Office ng munisipyo.

ADVERTISEMENT

Pero ilan sa mga dahilan ng hindi pagpaparehistro ay kahirapan o kaya'y iyong mga nanay ay hindi sa ospital nanganak.

Ang problema, ayon sa ilang mambabatas, marami sa mga walang birth certificate ay hindi na kumukuha dahil may bayad ito.

Aabot daw sa higit P1,000 ang gagastusin para sa delayed birth registration.

Ito ang dahilan kaya isinusulong nila sa Kamara ang panukalang gawing libre ang ng naturang dokumento.

"Hindi dapat nagdudusa ang mga mahihirap dahil wala silang pera," ani Agusan del Norte Rep. Lawrence Fortun.

Sa ngayon, pinag-aaralan na sa committee level ang panukala.

Umaasa si Fortun na maisabatas ito para lahat ng Pilipino ay magiging rehistrado at makatanggap ng tamang benepisyo mula sa pamahalaan.

—Ulat ni Apples Jalandoni, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

ABS-CBN is the leading media and entertainment company in the Philippines, offering quality content across TV, radio, digital, and film. Committed to public service and promoting Filipino values, ABS-CBN continues to inspire and connect audiences worldwide.

© 2025 ABS-CBN Corporation. All Rights Reserved.

© 2025 ABS-CBN Corporation. All Rights Reserved.

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.