'Dami nang naghikahos': Grupo iginiit na 'huli na' ang pagpapatigil ng rice importation
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
'Dami nang naghikahos': Grupo iginiit na 'huli na' ang pagpapatigil ng rice importation
ABS-CBN News
Published Nov 20, 2019 03:10 PM PHT
|
Updated Nov 20, 2019 07:10 PM PHT

Amihan & Bantay Bigas: The suspension of rice importation issued by Pres. Duterte came too late as 3 million MT has already entered the country while 250,000 sacks of smuggled rice were found in Bulacan. Yet, rice prices remain unaffordable. pic.twitter.com/M2uihLtdSn
— Ron Gagalac (@rongagalac) November 20, 2019

MAYNILA (UPDATE) — Huli na para makatulong sa mga magsasaka si Pangulong Rodrigo Duterte matapos nitong ipag-utos ang pagsuspinde sa pag-angkat ng bigas, ayon sa isang grupo.

Ayon kay Bantay Bigas Spokesperson Cathy Estavillo, napatay na ang kabuhayan ng maraming lokal na magsasaka dahil sa dami ng inangkat na bigas mula nang ipatupad ang rice tariffication law.

Wala na ring silbi kung ngayon pa ititigil ang pag-angkat ng bigas.

"Ito ay huli na, nakapasok na ang 3 million metric tons na imported na bigas at ang 250,000 na smuggled na bigas. Bumagsak na ang presyo ng palay," sabi ni Estavillo ngayong Miyerkoles sa gitna ng protesta sa tapat ng tanggapan ng Department of Agriculture sa Quezon City.

Dala ng mga lumahok sa protesta ang mga kalderong walang laman, na hango sa kontrobersiyal na kaldero ginawa para sa Southeast Asian (SEA) Games, na may halagang nasa P50 milyon.

Sinisimbolo umano ng kaldero o kawang dala ng mga demonstrador ang matinding hirap na nararanasan ng mga lokal na magsasaka sa ilalim ng administrasyon.

Sa press conference noong gabi ng Martes, bukod sa pag-utos ng suspensiyon ng pag-angkat ng bigas, inutusan din ni Duterte ang Kongreso at si Agriculture Secretary William Dar na maglaan ng perang ipambibili ng palay mula sa mga lokal na magsasaka.

Pero ayon kay Nicasio Ortiz, tagapagsalita ng Alyansang Magbubukid sa Gitnang Luzon, wala nang saysay ang utos ni Duterte na pagbili ng palay gayong malapit nang matapos ang panahon ng anihan at naibenta na ang ani sa mababang presyo.

"Patapos na 'yong harvests, wala na mga palay sa mga maliiit na magsasaka, nasa kamay na ng mga trader, naibenta na [sa] mababang presyo," aniya.

BIGAS NAGMURA DAHIL SA IMPORTED RICE
Inamin naman ni Agriculture Spokesperson Noel Reyes na wala pang sapat na pondo ang National Food Authority (NFA) para bilhin ang mga palay ng mga lokal na magsasaka.

"Kailangan dagdagan ang pondo ng NFA. P67 billion lang ang perang nakalaan para pambili ng bigas," ani Reyes.

Sinabi rin ni Reyes na bumaba ang presyo ng bigas sa merkado dahil sa pag-angkat ng bigas.

"Malaking pakinabang ngayon at meron nang murang bigas," aniya.

Nasa P27 na ang regular-milled rice sa Isabela-Nueva Ecija, kapantay ng P27 presyo ng NFA rice, ayon kay Reyes.
Nasa P27 na ang regular-milled rice sa Isabela-Nueva Ecija, kapantay ng P27 presyo ng NFA rice, ayon kay Reyes.
ADVERTISEMENT
Nasa P30 naman ang presyo ng regular-milled rice sa mga pamilihan sa Metro Manila, mas mababa nang P10 kumpara noong nakaraang taon, ani Reyes.

Inamin ni Reyes na hindi pa talaga mararamdaman ng mga magsasaka ang benepisyo sa kanila ng rice tariffication law.

May P10 bilyon pondo na ilalaan para sa mga magsasaka kada taon sa susunod na 6 taon para hindi na raw sila mangungutang sa mga negosyante o trader, at hindi na kailangan pang isangla ang kanilang mga lupa.

"Palalakasin po natin ang mga magsasaka dahil sa ayudang iyan. Sana sa mga darating na taon ay makapalag sila at makaalis doon sa tanikalang 'yon sa mga traders," ani Reyes.

'MARAMING AALIS SA PAGSASAKA'
Pero maaaring kakaunting magsasaka na lang ang makaramdam ng benepisyo ng rice tariffication law dahil karamihan sa kanila ngayon ay lumilipat na sa mga trabahong may mas malaking kita, ayon kay Leonardo Montemayor, chairman ng Federation of Free Farmers.

"Ang dami nang naghihikahos na magsasaka, literally they are dying gawa nang pagbagsak ng presyo ng palay. Marami pinatigil na sa pag-aaral ang mga anak, nahirapan bumili ng gamot, marami di nakakabayad ng utang," ani Montemayor sa panayam ng DZMM.

"Saan sila pupunta? Sabi nila magko-construction na lang kami, sa Maynila," aniya.

Ayon pa kay Estavillo, maraming batang magsasaka ang nawawalan na ng gana na magsaka dahil sa pagkalugi rito.

Inaprubahan noong Pebrero ang rice tariffication law, na nagtanggal ng limitaston sa importasyon ng bigas kasabay naman ng pagpataw ng taripa sa imported rice.

-- Ulat ni Ron Gagalac, ABS-CBN News
Read More:
PatrolPH
Tagalog news
bigas
hanapbuhay
palay
magsasaka
Rodrigo Duterte
rice imports
rice tariffication law
Bantay Bigas
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT