2 barangay sa Sta. Ana, Cagayan isolated dahil sa bagyo | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

News

2 barangay sa Sta. Ana, Cagayan isolated dahil sa bagyo

2 barangay sa Sta. Ana, Cagayan isolated dahil sa bagyo

ABS-CBN News

Clipboard

MAYNILA - Dalawang barangay sa bayan ng Sta. Ana sa Cagayan ang isolated dahil sa abot-dibdib na taas ng baha dala ng bagyong Ramon, na sinabayan pa ng high tide.

Hindi mapuntahan ng awtoridad ang mga barangay ng Parada Batu at Marede dahil sa baha habang patuloy ang isinasagawang rescue operations sa iba pang lugar sa Sta. Ana kung saan gumamit na ng dump truck para mailikas ang mga residente.

"Yung continuous na ulan kasi medyo naipon siya at sinalubong po ng high tide. Pagkagising po ng tao, nabulaga dahil umaapaw na 'yung tubig po natin," ani Sta. Ana Mayor Nelson Robinion sa panayam ng DZMM.

Ayon kay Robinion, nasa 4 hanggang 5 talampakan ang lalim ng baha sa mga apektadong barangay.

ADVERTISEMENT

May ilang mga bata rin ang lumangoy na patungo sa dump truck para makasama sa paglikas.

"Umaabot na po yata sa 500 katao ang mga kasalukuyang naililikas. Hindi po namin mapasok 'yung iba," sabi ni Robinion.

Pansamantalang dinala ang mga nasagip na residente sa mga paaralan at barangay halls na ginawang evacuation centers.

Kasalukuyang nasa mga liblib na lugar pa ang ilang rescue team kaya't hindi pa makapagbigay ng paunang ulat kung may nasugatang mga residente.

Bukod sa dalawang lugar, binaha rin ang mga barangay ng Santa Clara, Patunungan, at Visitacion sa naturang bayan matapos mag-landfall ang bagyong Ramon.

Banggit din ng alkalde na handa naman ang rescue equipment at personnel para saklolohan ang apektadong mga residente.

Nagsisidatingan na rin ang ibang mga rescue at relief agencies para umalalay sa kanila.

"Yung hanging at tubig huminto na we're expecting mag hapon passable na lahat," banggit ng alkalde.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like youā€™re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.