Mga nasalanta ng bagyo sa Marikina nagkakasakit na | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Mga nasalanta ng bagyo sa Marikina nagkakasakit na

Mga nasalanta ng bagyo sa Marikina nagkakasakit na

ABS-CBN News

 | 

Updated Nov 19, 2020 07:03 PM PHT

Clipboard

Nililinis ng mga taga-Marikina City nitong Nobyembre 19, 2020 ang kanilang mga kalsadang napuno ng putik at basura kasunod ng mga pagbahang dulot ng bagyong Ulysses. ABS-CBN News

(UPDATE) Nakatala na ng isang positibong kaso ng COVID-19 sa isang evacuation center sa Marikina City, bukod pa sa ibang sakit na nararanasan ng ibang nasalanta ng bagyo sa lungsod.

Isang 68 anyos na lalaking evacuee sa Barangka Elementary School ang nagpositibo sa respiratory illness, pero nailipat na siya at ang kaniyang pamilya sa quarantine facility.

Kasunod ng pagpositibo sa sakit, nagsagawa ng rapid antibody testing ang lokal na pamahalaan para makita kung may iba pang posibleng tinamaan ng sakit.

Negatibo sa sakit ang pamilya ng lalaking nagpositibo gayundin ang 13 close contacts.

ADVERTISEMENT

Pero may 6 na evacuee sa Barangka Elementary School na naging reactive sa antibody test at 34 sa ibang evacuation center, kaya dinala sila sa testing facility para sumailalim sa confirmatory PCR test.

Batid naman ni Marikina Mayor Marcelino Teodoro na hindi praktikal kung lahat ng 15,000 sa evacuation centers ng lungsod ay ite-test para sa sakit.

"Uunahin nating i-test ay 'yong may COVID-like symptoms at mga matatanda," ani Teodoro.

Watch more in iWantv or TFC.tv

Dahil din sa nangyari, nag-deploy ang lokal na pamahalaan ng nasa 190 contact tracers sa iba-ibang evacuation center.

Sa Barangay Industrial Valley Complex, tuloy ang mga residente sa paglilinis ng kanilang mga binahang bahay at kalsada, sa kabila ng masangsang na amoy.

ADVERTISEMENT

Isa ang residenteng si Jocelyn Raymundo sa mga nakararanas ng pagtatae, na aniya'y dahil sa maruming tubig at kapaligiran.

Hindi rin naman daw siya makapunta ng ospital.

"Saka 'yong anak ko kahapon, 4 na beses nang dumudumi," ani Raymundo.

May naiulat ding kaso ng cholera sa lungsod, ani Mayor Teodoro.

Humahanap na ang lokal na pamahalaan ng mga gamot at bitamina para sa mga residente.

RELATED VIDEO:

Watch more in iWantv or TFC.tv

-- Ulat ni Raphael Bosano, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.