Wedding march inabutan ng lindol sa Sarangani | ABS-CBN

ABS-CBN Ball 2025:
|

ADVERTISEMENT

ABS-CBN Ball 2025:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Wedding march inabutan ng lindol sa Sarangani

Wedding march inabutan ng lindol sa Sarangani

ABS-CBN News

Clipboard

Courtesy: Bayan Patroller Alhsmar Sayago
Courtesy: Bayan Patroller Alhsmar Sayago

Binulabog ng malakas na lindol ang isang beach wedding sa Glan, Sarangani Province nitong Biyernes.

Kita sa 1:29-minute video ni Bayan Patroller Alhsmar Sayago na biglang natigil ang kasal ng kanyang pinsan nang abutin ng groom ang kamay ng bride habang nagaganap ang kanilang wedding march.

Makikita din sa pangalawang video na ibinahagi ni patroller na hindi naman nagpatinag ang bride and groom dahil itinuloy pa din nila ang kasal matapos magpaliban ng 30 minuto para humupa ang kaba ng mga bisita dulot ng pagyanig ng 6.8 magnitude na lindol sa Sarangani Province kahapon.

Kwento ni Sayago, naging mahinahon naman siya habang lumilindol kaya nakakuha pa siya ng video.

Inupload aniya ang video para ipaalam na importante ang maging mahinahon sa mga lindol.

"Being and composed is one way of addressing disasters such as this," aniya.

— Dabet Panelo, Bayan Mo, Ipatrol Mo

Watch more News on iWantTFC

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.