Courtesy of Gabac Realyn Quillosa
Watch more News on
iWantTFC
Halos inabot na ng baha ang bubong ng ilang mga bahay sa Barangay Poblacion sa bayan ng San Jose de Buan sa Samar.
Ito ay dahil sa matinding ulang dulot ng shear line at low pressure area.
Inilikas na ang ilang mga residente sa evacuation center.
Nangangamba ang mga residente na baka mas lumalim pa ang baha dahil tuloy pa rin ang pagbuhos ng ulan. - ulat ni Sharon Evite