Tuna industry sa Occidental Mindoro, patuloy na lumalago | ABS-CBN

Featured:
|

ADVERTISEMENT

Featured:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Tuna industry sa Occidental Mindoro, patuloy na lumalago

Tuna industry sa Occidental Mindoro, patuloy na lumalago

ABS-CBN News

Clipboard

Watch more News on iWantTFC

MAYNILA - Ibinida sa pagdiriwang ng Arawatan Festival ng Occidental Mindoro ang iba't ibang klase ng luto ng isdang tuna.

Isa ngayon ang tuna sa lumalagong industriya sa Occidental Mindoro na inaasahang magbibigay ng kaunlaran sa probinsiya.

Sumusunod na ang Occidental Mindoro sa General Santos City sa laki ng produksiyon ng tuna.

“Mayroon tayo local exporter sa Manila na denideliver sa US, mayroon tayo sa Europe, kapag oversupply na tayo mas maraming bumibili na taga GenSan," ayon sa Mamburao Tuna Queen na si Abel Pantoja Evangelista.

ADVERTISEMENT

Ayon sa Provincial Agriculture Office, noong taong 2021 nasa 38 metriko tonelada lamang ang tuna production ng Occidental Mindoro.

Pero ngayong 2022, mula Enero hanggang Mayo pa lamang ay umabot na sa 120 metrikong toneladang tuna ang kanilang produksiyon.

"May mga investor na tayo na nakakausap para magtayo ng cold storage dito at saka syempre isa yung mga ice plant para magkaroon ng yelo paglaot nila ang isa lang talaga sa pinoproblema namin dito yung kuryente," ani Occidental Mindoro Gov. Eduardo Gadiano.

Dahil patuloy ang paglago ng industriya ng tuna, nagbibigay ng ayuda ang provindial government sa mga mangingisda.

"For example yung fish aggregate device or yung payaw so mayroon po tayo dyan for distribution for next year upon the approval po ng ating budget we have also the hooked and line ,150 untis po yun ating supposedly ipamimigay next year and also for the solar lights power para sa mga bangka na nanghuhuli ng tuna," ani Provincial Agriculture Officer ng Occidental Mindoro na si Engr. ALrizza Zubiri.

Buwan ng Enero hanggang Mayo ang season ng tuna sa Occidental Mindoro kaya ngayon pa lang ay naghahanda na ang mga mangingisda sa pagdating ng mga tuna.

-- Ulat ni Dennis Datu, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.