Pagsita sa mga nakaharang sa kalsada sa Muntinlupa, tuloy tuwing gabi | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Pagsita sa mga nakaharang sa kalsada sa Muntinlupa, tuloy tuwing gabi

Anjo Bagaoisan,
ABS-CBN News
Published Nov 18, 2020 05:55 AM PHT

MAYNILA - Wala na ring kawala kahit sa gabi ang mga iligal na nakaparadang sasakyan sa Muntinlupa dahil sa magdamagang pagsita ng mga tauhan ng barangay.

Kinandado ang mga motorsiklo at nilagyan ng clamp ang gulong ng mga 4-wheel na sasakyan na naabutang nakaparada sa sidewalk at kalye sa clearing operation ng Bgy. Poblacion na inabot ng alas-11 ng gabi noong Martes.

Mga sasakyang nakaharang sa kalsada sa Bgy. Poblacion, Muntinlupa City, pinagkakandado sa gulong ng mga nag-ikot na tauhan ng barangay kahit gabi. Bahagi ito ng utos ng DILG para sa pambansang road clearing mula Nov 16.
(📸: Bgy. Poblacion) pic.twitter.com/Mz2GnssVtM
— Anjo Bagaoisan (ᜀᜈ᜔ᜇᜒᜌᜓ ᜊᜄᜏᜒᜐᜈ᜔) (@anjo_bagaoisan) November 17, 2020

Ayon kay Rodolfo Cadigal, ang deputy chief ng barangay police, 24/7 kasi ang inatasan sa kanilang pagbabantay sa mga kalsada kaya kahit mas maraming sasakyang masisita sa araw ay ipinagpatuloy pa rin ito sa gabi.

Sabi niya, binibigyan pa rin nila ng konsiderasyon ang mga sasakyan o stall na maaabutan kasama ang may-ari o driver basta't alisin agad ito.

ADVERTISEMENT
Pero itatrangka agad ang mga hindi sisiputan ng may-ari.

Sa pag-ikot ng barangay at pulis sa Quezon at Sto. Niño Street noong gabi, 7 ang napuntiryang sasakyan--karamihan sa kanila ay mga motorsiklo.

Kailangan magbayad ng multa na P1,000 sa barangay para maialis ang kandado o clamp.

Bahagi ito ng pagbabalik ng kampanya ng Department of Interior and Local Government (DILG) simula Lunes para alisin ang mga sagabal sa kalsada sa loob ng 60 araw hanggang Enero 2021.

[LINK: https://news.abs-cbn.com/news/10/28/20/dilg-local-governments-must-resume-road-clearing-ops-on-nov16]

Ayon kay Tez Navarro, public information officer ng Muntinlupa City, mga taga-barangay ang mangunguna sa araw-araw na road clearing sa lungsod.

Read More:
Muntinlupa
Muntinlupa city
road clearing
Poblacion Muntinlupa
DILG
illegal parking
TeleRadyo
Tagalog news
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT