Halaga ng ayuda para sa mga nasalanta ng mga nagdaang bagyo, abot na sa P52-M: DSWD | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Halaga ng ayuda para sa mga nasalanta ng mga nagdaang bagyo, abot na sa P52-M: DSWD

Halaga ng ayuda para sa mga nasalanta ng mga nagdaang bagyo, abot na sa P52-M: DSWD

Joyce Balancio,

ABS-CBN News

Clipboard

MAYNILA - Umabot na umano sa P52.1 milyon ang halaga ng tulong na naipamigay ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa mga nasalanta ng mga nagdaang bagyo.

Inihayag ni Social Welfare Sec. Rolando Bautista na patuloy ang pamimigay ng kagawaran ng tulong sa mga lugar na lubhang apektado ng mga nagdaang bagyo.

“Ayon sa aming pinakahuling ulat ngayong umaga, P52.1 million na ang halaga ng relief assistance na naipamahagi ng DSWD sa mga local na pamahalaan sa Rehiyon I, II, III, CALABARZON, MIMAROPA, Region V, CAR at NCR na apektado ng Bagyong Ulysses," ani Bautista nitong Miyerkoles.

Ito ay family food packs, at iba pang non-food items.

ADVERTISEMENT

May sapat na pondo umano ang ahensya sa disaster response operations.

Nakapag-replenish na rin aniya ang ahensiya ng quick response funds mula sa Department of Budget and Management.

Ayon kay Bautista, nagsasagawa rin ang DSWD ng cash-for-work program upang mabigyan ang mga apektadong indibidwal ng pansamantalang pagkakakitaan.

RELATED VIDEO

Watch more in iWantv or TFC.tv

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.