Ilang lugar sa Davao del Sur nakaranas ng matinding baha | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Ilang lugar sa Davao del Sur nakaranas ng matinding baha

ABS-CBN News
Published Nov 17, 2022 02:02 PM PHT

Nakaranas ng matinding pagbaha ang ilang lugar sa Davao del Sur dahil sa mga pag-ulan simula gabi ng Miyerkoles bunsod ng intertropical convergence zone (ITCZ) o salubungan ng hangin.

Sa bayan ng Malalag, umabot hanggang leeg ang taas ng tubig sa Babac Poblacion, base sa mga retratong ibinahagi ng residenteng si Aimee Pagunsan.

Isa rin sa pinakaapektado ang Barangay Poblacion, kung saan patuloy ang pag-rescue ng mga awtoridad at paglikas ng mga residente patungo sa evacuation centers.

Ilan sa mga residente ay inilikas sa Malalag Central Elementary School, na binaha rin, habang ang iba'y dinala sa gym ng munisipyo.

Kabilang sa mga dinala sa evacuation center ang kabaong at labi mula sa binahang lamay.

Ibinahagi naman ni Elvan Java ang mga retrato ng nasirang tulay na hindi na madaanan ng mga residente't motorista.

Sa bayan ng Kiblawan, hindi rin madaanan ang ilang kalsada dahil sa landslide at matinding pagbaha.

Stranded ang mga motorista sa Barangay San Pedro dahil abot-leeg ang taas ng tubig.

Nag-abiso naman ang lokal na pamahalaan ng General Santos City na hindi madaanan ang national highway na nagdudugtong sa lungsod at Digos City dahil sa landslide sa Baluyan area.

Maaari umanong gamitin ng mga motorista ang alternate highway sa Makilala, Cotabato via Tacurong City, Sultan Kudarat.

Suspendido ang pasok ng mga estudyante ngayong Huwebes sa mga apektadong bayan sa Davao del Sur.

— Ulat nina Hernel Tocmo at Chrislen Bulosan
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT