MAYNILA- Itinanghal na "Best AM Radio Station" para sa taong 2018 ang DZMM Radyo Patrol 630 sa Mabini Media Awards ng Polytechnic University of the Philippines.
Kinilala din bilang "Best News Commentary Program" ang "Failon Ngayon" habang kinilala naman bilang "Best News Commentary Program Host" si Ted Failon.
Samantala, itinanghal naman na "Best Radio News Program" ang "Radyo Patrol Balita Alas Siyete." Isinagawa ang pagpaparangal sa PUP Sta. Mesa Campus.
Ang DZMM ay ang opisyal na AM radio station ng ABS-CBN Corporation.
Ngayong nasa ikatlong taon na, ang Mabini Media Awards ay nagbibigay pugay sa mga natatanging personalidad at programa sa industriya ng pamamahayag.
-ulat ni Henry Atuelan, ABS-CBN News.
Bisitahin ang
Patrol.PH para sa iba pang mga balita.
DZMM, DZMM Radyo Patrol, Failon Ngayon, Ted Failon, tagalog news, PatrolPH, ABS-CBN