Live-in partners binaril sa loob ng bus sa N. Ecija | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Live-in partners binaril sa loob ng bus sa N. Ecija

Lyza Aquino,
ABS-CBN News
Published Nov 16, 2023 10:10 AM PHT
|
Updated Nov 16, 2023 07:34 PM PHT

Patay ang dalawang pasahero ng isang pampasaherong bus sa Carranglan, Nueva Ecija matapos barilin ng 2 di pa kilalang salarin nitong Miyerkoles, Nob. 15.

Ayon kay Police Maj. Rey Ian Agliam, Caranglan police chief, sumakay ang dalawang biktima na mag live-in partners sa Cauayan City, Isabela habang ang mga gunman ay sumakay sa bus sa bandang Bayombong, Nueva Vizcaya.

Kita sa dashcam video ng bus ang krimen kung saang malapitang binaril sa ulo ng dalawang kawatan ang mga natutulog na biktima.

"Maglive-in partner ito...Sa ngayon hindi ko pa mai-di-divulge ang mga pangalan nila kasi wala akong pahintulot sa mga kamag-anak," ani Agliam sa panayam sa TeleRadyo Serbisyo.

Sa hiwalay na panayam sa ABS-CBN News, sinabi ni Agliam na negosyante ang dalawang biktima na papunta sana sa Lapaz, Tarlac.

"Yung ano po is galing recently sa Canada, businesswoman (siya) and then ano po businessman yung lalaki. Dalawang negosyante," aniya.

Kwento ng konduktor ng bus, nasa 38 ang kanilang mga pasahero at galing sila ng Tuguegarao papunta ng Sampaloc, Maynila. Binabaybay nila ang bahagi nang Barangay Minalin sa Carranglan nang mamaril ang mga suspek, bago sila nagmadaling bumaba sa liblib na bahagi ng bayan.

Ayon sa police chief, walang ibang sinaktan ang mga salarin sa loob ng bus. "Posibleng gun-for-hire 'yung dalawa," aniya.

Maaaninag din sa dashcam video sa loob ng bus ang mukha ng mga suspek. "Baka makilala po ng ating mga kababayan natin at sana may tip sa amin para sa agarang solusyon," aniya.

Aniya, nagsuot ng camouflage ang mga suspek maaari para hindi masita sa mga checkpoint.

Iginiit naman ng kapatid ng babaeng biktima na walang kaaway ang kaniyang kapatid. Nananawagan din siya ng hustisya sa kanyang pagkamatay.

"Wala naman mam wala naman, kaya nagtataka kami mam bakit nangyari sa kanya. Alam ko sa mga suspect hindi po sila siguro masama, tao rin sila alam ko may natitira pang kabutihan sa knailang mga puso sana sumuko na kayo," sabi ng kapatid.

NAG-COMMUTE KAHIT MAY KOTSE
Sa isang panayam sa Teleradyo Serbisyo, sinabi ni alyas Joanne, kapatid ng babaeng biktima, na blanko pa rin sila sa posibleng motibo ng krimen.

"Wala kasing ano na iniipit na suspect. Yung ate ko ay bumalik lang ng Tarlac kasi may nakalimutan lang siya at babalik sa Isabela, pero ganoon na ang nangyari," ani Joanne.

Mahalaga raw sa biktima ang bagay na naiwan, dagdag niya.

Nagtataka din siya dahil hindi raw ginamit ang sasakyan niya at nag-commute pa. Malaking katanungan din kung paano natunton ng mga suspek ang mga biktima.

"Dati naman kasi ginagamit niya 'yung sasakyan niya pero noong araw na 'yun hindi niya ginamit. Tapos yung cellphone niya, iniwan pa niya sa kuwarto, wala siyang dalang cellphone," aniya.

"Bago mangyari 'yan, 4 na araw kaming hindi nag-uusap ng ate ko kaya nagtataka ako. 'Yung 4 na araw na 'yun wala siyang tawag o text," dagdag niya.

May bukid at paupahan ang babaeng biktima, sabi ni alyas Joanne, samantalang may bakery ang lalaki.
May bukid at paupahan ang babaeng biktima, sabi ni alyas Joanne, samantalang may bakery ang lalaki.
ADVERTISEMENT
Sinabi rin niyang wala siyang kilalang posibleng kaaway ng mag-live in partner. Hindi rin niya mamukhaan ang mga suspek base sa kuha ng dashcam.

Patungo na raw ng Isabela ang mga pulis para mag-imbestiga.

— Ulat ni Lyza Aquino, ABS-CBN News
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT